Tumayo ang binata buhat-buhat si Lei sa likuran niya. Kasalukuyang nakayakap ang dalaga sa leeg nito.

"Ang gaan mo naman. Kumakain ka naman ba ng maayos dito, love?" tanong ng binata. Dahan-dahan siyang bumaba sa sa hagdan at baka mahulog silang dalawa. Hindi man lang siya nag atubiling magbihis ng damit.

"Gano'n pa rin naman ang bigat ko. Hindi naman ako payat," aniya at ipinatong ang baba sa ibabaw ng balikat niya.

"Talaga? Ngayon pa lang naman kita nabuhat, e," sabi ni Phoenix.

Pagdating ng mesa ay nilapag siya nito ng dahan-dahan, "Ako na ang maghahanda ng pagkain. Ikaw na lang kasi lagi ang nagsisilbi sa'kin, eh." Ani Phoenix at hinalikan siya sa pisngi. Tumalikod ang binata at nagtungo sa kusina.

Naiwan namang nakangiti si Lei sa upuan niya. Ginagawa naman niya 'yon dahil gusto niya. Ang sarap gawin lahat para sa boyfriend niya. Lalo't lagi itong pagod galing sa trabaho. Matapos itong hinanda ng binata ay kumain na sila. Konti lang gustong kainin ng dalaga dahil gabi na.

"Siya nga pala, sa susunod na araw punta tayo sa bahay, ah? Ipapakilala kita sa mga kapatid ko at sa nanay," sabi niya dito at tipid na ngumiti.

Nagulat naman si Phoenix sa kaniya. Matagal niyang hinintay na sasabihin 'yon ng kasintahan niya, "Really? For real, love?" para siyang nanalo sa loto dahil sa lapad ng ngiti.

Tumango ang dalaga sa kaniya, "Bakit? Ano ba sa tingin mo, Phoenix?" tanong niya at sumubo ng pagkain. Nagluto siya ng adobo para sa kanilang dalawa.

"Wala naman. I waited for this for too long now, love. I thought you are ashamed of having me," sabi niya. Inabot ng binata ang kamay niya sa ibabaw ng mesa at hinawakan ito, "Minsan mas gusto ko na lang maging simpleng mamayan para hindi ka mahiya sa lahat ng nakapaligid sa'tin." Dagdag niya at iniwan ang kamay nito sa ibabaw ng mesa.

Napatingin sa kaniya ang dalaga habang kumakain. Parang nakaramdam siya ng kirot sa dibdib matapos 'yong sabihin ng kasintahan. Hindi niya alam na nasasaktan din pala ang binata dahil sa kaniya.

"Sorry," sambit niya.

"You don't have to, love. I am glad that you change your mind na ipakilala ako sa pamilya mo," sagot niya at pilit na ngumiti, "Ayokong ihatid ka lagi sa labas ng subdivision niyo kung puwedi naman kita ihatid gamit ang kotse ko." Anito.

Tumango si Lei sa kaniya. Palihim siyang nagpapasalamat na may ganoong ugali ang binata. Lahat ng 'yon ay napatunayan niya kung gaano niya ka mahal si Lei. Pero hanggang kailan?

Pagtapos nilang kumain ay niligpit ito ng binata. Pinanindigan niya ang pagsisilbi kay Lei.

"'Wag mo nang hugasan, Phoenix. Ako na ang maghuhugas bukas. Hating-gabi na," sabi ng dalaga at tumayo sa upuan niya.

Lumabas ang binata habang nagpupunas ng kamay. Kaagad niyang pinatay ang ilaw sa kusina.

"Tara na, mukhang matatagalan ako sa pagtulog, love. Busog na busog ako, eh." Ani Phoenix at inakbayan siya. Naglakad silang dalawa patungo sa hagdan.

"Paano ba kasi mag-uumaga na tayong kumain." She rolled her eyes.

Lumawak ang ngiti ng binata at tinaasan siya ng kilay, "Love," tawag niya dito.

Nagtataka naman si Lei kung anong meron sa kaniya, "Bakit? Bakit ganiyan ka makatingin, ah?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Kung mag-exercise kaya tayo? Pampatunaw lang ng kinain," suhestyon niya at ngumiti.

"Anong exercise? Ngayon? Sa ganito oras? Magkakaapendik ka." Umiling ang dalaga. Ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan niya.

"Hindi 'yon. 'Yong alam mo na, exercise pang- gabi." Mahina siyang tumawa.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now