Bigla siyang nakarinig ng pagkasa ng baril at nakatutok sa ulo niya. Hindi niya nakitang may lumapit sa kaniya kaya maayos siyang tumayo.

"Kapag hindi mo nagawa sa loob ng dalawang buwan, pasasabugin ko ang ulo mo."

Parang nanginig ang kalamnan niya habang tinitingnan ang folder sa kamay niya. Diyan nakasalalay ang kalayaan niya.

*********

Naisipang magluto ng dalaga habang hinihintay ang boyfriend mula sa trabaho nito. Oo, nasa penthouse siya ngayon ni Phoenix at nagluluto ng dinner nila.

Habang naghihintay kumulo ang gulay na niluluto niya ay naghugas muna ito ng pinggan.

May dalawang brasong pumulupot sa beywang nito sabay yakap sa kaniya, amoy na amoy ng dalaga ang halimuyak ng pabango nito.

"Nagpa-practice ka na ba na maging asawa ko?" tanong ng binata habang inaamoy ang leeg nito, "Ambango, amoy pawis." Aniya at tumawa.

Napailing ang dalaga sa kaniya habang pigil ang tawa, "Nagpa-practice? Kailangan ko pa ba 'yon?" tanong niya pabalik at binilisan ang paghugas ng pinggan kahit may nakakapit sa kaniya.

"Hindi na," sagit niya at tumawa, "Anyway, how's your day? I missed you." Lalo niyang hinigpitan ang yakap matapos sabihin ang mga matatamis na salita mula sa mga labi niya.

"Okay lang naman, Nix." Naglakad ang dalaga para magpunas. Pagkatapos ay hinubad niya ang pagkakayapos nga braso ng binata sa beywang niya at hinarap ito.

Kitang-kita niya ang magulo nitong buhok at papikit na mga mata. Halata sa mukha ng binata ang pagod. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Ikaw? Kamusta ka? Gusto mo na bang matulog, ha?" tanong ni Lei na may halong pag-aalala. Pumuot ang dalaga ng maamoy ang nilulutong nitong pinakbet.

Umiling ang binata at hinalikan ang ulo niya, "Nah! Niyayakap ko na ngayon ang pahinga ko, love," sabi niya.

Parang napaso ang pisngi ng dalaga dahil sa sinabi niya kasabay ng paglakas ng tibok ng puso nito na halos magwala sa dibdib na kinalalagyan niya.

Kumalas ng pagkakayakap ang dalaga at hinawakan ang pisngi ng binata. Deretso niyang tiningnan ito sa mga mata, "Phoenix, kailangan mo ang totoong pahinga. Sige na, maligo ka na muna sa taas, tatawagin na lang kita kapag luto na," ani Lei at marahan na hinaplos ang makinis na pisngi nito.

Hinawakan ng binata ang kamay niya at tipid na ngumiti. Mabilis niyang hinalikan ang dalaga.

"Okay, I love you," sabi niya at marahang kinurot ang ilong nito na may halong pangigigil, "Mabilis lang ako." Dagdag pa niya sabay kindat.

Nilisan niya ang kusina at agad na dinaluhan ni Lei ang niluto niya na kanina pa kumukulo. Tinikman niya ito at nilagyan ulit ng seasonings.
Pagkatapos niyang magluto at hinanda na niya sa taas ng mesa ang mga pagkain. Kumpleto sa mula sa tubig hanggang sa mga kubyertos. Naghubad siya ng apron at isinabit ito.

Nagmadali siyang naglakad papunta sa hagdan at umakyat. Pagdating sa harapan ng kwarto nila ay agad niya itong binuksan. Madilim kaya pinailawan niya. Tumambad sa dalaga ang nakatulog na si Phoenix. Wala siyang pang-itaas at hindi naligo. Mukhang pagod na pagod talaga siya sa trabaho.

Bumuntong hininga ang dalaga at lumapit dito. Kailangan niya munang kumain. Tumalon siya sa kama at humiga sa tabi nito. Nakadapa si Phoenix at nakaharap kay Lei.

Inayos niya ang buhok ni Phornix at ngumiti. Ang gwapo ng boyfriend niya mukhang amerikano. Biglang napaawang ang labi niya sa paghapit ng binata sa beywang nito papalapit sa kaniya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin