"What are you doing? Okay ka lang ba?" tanong ni Phoenix pagpasok niya. Napansin niya kasi na napapasipa ito sa upuan niya.

Umayos ng upo si Lei. She cleared her throat, "Wala naman, nag-e-exercise lang," sagot niya. Agad siyang napailing sa naging dahilan.

Tumaas ang kilay ng binata at dumukwang papalapit sa kaniya, "Lei," tawag niya at napaharap naman ang dalaga kaya aksidente silang naghalikan. Mabilis lang pero parang ilang boltahe kaagad ang dumaloy sa katawan niya.

"Ikaw talaga! Wala ka talagang pinipiling oras sa kaharutan mo," sabi niya habang nakakunot ang noo. Nilagay niya kaagad ang takas na buhok sa likuran ng tenga niya at nagkagat-labi. Napayuko ang dalaga.

"Let's buckle your seatbelt, love," sabi niya gamit ang matamis nitong tono. Tumango si Lei at sumandal sa backrest ng upuan, "Are you ready?" tanong niya.

She nodded her head, "Oo naman. Miss ko na sina nanay ‘no!" mabilis niyang sagot. Ngumoso siya. Maliban sa pagka-miss ay kinakabahan siya sa mangyayari sa kaniya kapag nakarating ng Manila.

"You can stay in my house, love. Is that clear? I want to wake up next to you," tugon niya at hinawakan ang baba ng dalaga. Sandali sila nagkatinginan. Ginawaran siya ng matamis na halik. Ilang segundo lang 'yon at bumitiw kaagad.

Malakas na kumabog ang dibdib ng dalaga at hindi maalis ang tingin sa kaniya, "Sige, wala ka namang kasama sa bahay mo hindi ba?" tanong niya sa binata. Kapag meron ayaw niyang pumunta doon. Hindi naman siya nababagay sa sa gano'ng buhay.

Umiling ang binata. Inayos niya ang seatbelt niya at nagsimulang pinaandar ang kotse.

"Wala akong kasama sa bahay maliban sa mga katulong. Minsan pumupunta ang pamangkin ko sa bahay. Bakit mo na tanong?" tanong niya pabalik kay Lei. Tumingin siya sa rear mirror at bumusina ng dalawang beses. Kumaway ang mga tao kasama sina manang Lorna at Lando. Nagsimula na silang lumisan sa lugar kung saan nagsimula silang magkakilala.

"Wala lang, nakakahiya naman kapag nakita ko ang mga pamilya mo na sopistikada at ayos na ayos," sagot niya habang nilalaro ang mga daliri. Nakayuko siya at kinakabahan sa pagtakbo ng kotseng lulan siya, "Samantalang ako ay simple lang."

Nagpakawala ng tawa si Phoenix at kinuha ang isa niyang kamay. Nanatili siyang nakatingin sa daan, "Love, that is why I love in you. Your simplicity. Ayoko ko din naman ng mga sosyal na babae," prangka niyang sabi at hinalikan ang likod ng kamay nito. Agad niya itong binitawan at hinawakan ang sikadura ng kotse.

Sa simpleng sagot na 'yon ni Phoenix ay nagbigay ng saya sa puso ng dalaga. Nanatili siyang nakatingin sa binatang deretso din ang tingin sa gitna ng daan. Nakangiti siya ng matamis.

"Sa naaalala ko, pagpunta natin ng Sta. Catalina ay sa likod lang ako ng kotse mo nakatulog." Kuwento niya habang tumatawa. Napatawa na rin ang binata habang iniiling ang ulo, "Pero ngayon, andito na kasama mo sa loob," sabi niya at kinagat ang labi dahil sa pigil na ngiti.

Nagnakaw ng tingin ang binata sa kaniya, "Noon, suplado pa ako pero ngayong sobrang rupok ko dahil sa'yo. Ginayuma mo ba ako?" tanong niya.

Malakas na tumawa si Lei, "Grabi ka ah?! Saan naman ako kukuha ng gayuma? Kay manang?" patanong niyang sagot.

Nagtawanan silang dalawa habang nasa byahe. Maganda pala ang nadadaanan nila. Ang mga puno ay malalaki pa sa Sta. Catalina.

Binuksan ng dalaga ang bintana at nilabas ang ulo. Nilabas niya rin ang kamay at sumigaw.

"Whoaaaa! Paalam!" buong lakas niyang sigaw na ikinabigla ng binata.

"Lei! What are you doing?! Sit properly! Malalaglag ka! F*ck!" sigaw niya. Hindi nakinig ang dalaga sa kaniya bagkos ay lalo pang tumayo at iwinagayway ang kamay nito.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now