"Yeah," sagot niya. Napakagat-labi ang binata sa haplos ng mga kamay ng dalaga.

"Dito ba? Sorry na ah?" aniya.

Nilagay ni Phoenix ang kaliwang kamay niya sa kaniyang bibig para takpan ito. Iba ang naging dating no'n sa kaniya. Ang malambot na boses ng dalaga ay iba sa maangas na boses nito noong una silang magkasama. Pinipigilan nito ang sariling suminghap

"Y-Yes..." Hindi maiwasang mautal ng binata.

"Andito pa rin kayo? 'Di ba ang sabi ko umalis na kayo para makauwi kayo kaagad?!" singhal ni manang sa kanila, "Kayo talagang mga bata kayo!" bumalik na ulit siya sa loob ng bahay dala ang walis niya. Siguro ay maglilinis siya ng bahay habang wala si Lei.

Napakamot ng ulo si Lei saka tumayo, "Tara na. Kapag nagkapasa gagamutin natin mamaya," sabi niya at naunang naglakad.

"Wait, sabay tayong maglakad." Pumantay si Phoenix sa kaniya, "Ako na ang magdadala niyan, ano ba ang laman niyan?" tanong niya sabay agaw sa dala nito.

Maayos na binigay ng dalaga sa kaniya ang dala nitong supot, "'Wag ka ngang mang-agaw lang. Sayang 'yan kapag nahulog. Kamote at mangga, pinadala sa'kin ni manang," sagot niya.

Tumango si Phoenix at nilagay sa loob ng plastic na hawak niya. Junk foods lang naman ang dala niya at tubig. Pagkalipas ng ilang minutong lakad ay nakarating sila sa mataas na talon. Mas maganda pala ito kaysa sa pinuntahan nilang noong nakaraan.

"Wow! Ang ganda talaga! Tingnan mo oh, ang linaw ng tubig." Komento ng dalaga.

Nanlalaki ang mga mata niya sa pagkamangha sa lugar. Sa taas ay makikita mo ang mga malalaking bato kung saan nanggaling ang tubig. Nakapaikot din ang mga matataas na puno.

"Phoenix, doon tayo dali! Ilapag muna natin ang mga dala natin." Nauna siyang tumakbo papunta sa walang init na lugar at may batong puweding paglagyan ng gamit. Hindi mawala ang pagkinang ng mga mata nito. Huminga ng malalim ng dalaga at dinama ng simoy ng hangin. Yumayakap ang lamig sa balat niya.

Nilagay ni Phoenix ang dala nila. Inayos niya ito bago tumayo sa tabi ng dalaga.

Napamulat siya ng mga mata, "Mas malinis at tiyak na malamig ang hangin dito kaysa sa Manila ‘no?" bigla niyang na tanong sa binata na ngayon ay nasa tabi niya at nakatayo rin.

Tumingin si Phoenix sa kaniya at siya naman ay nakatingin sa malinis na tubig, "Yeah, that's true,” sagot ni Phoenix.

"Kung papipiliin ka, Nix. Saan mo gustong tumira? Sa Manila or dito sa probinsya?" tanong ni Lei. Hindi mawala ang ngiti nito at dahan-dahan na binata ang katawan para umupo at abotin ang malamig na tubig.

"Mas gusto kong tumira kung nasaan ka, Lei," sagot niya. Mabilis na napalingon si Lei sa kaniya at nakita ang seryoso nitong mukha.

Tumaas ang gilid ng labi nito, "Seryoso nga?! 'Wag kang magbiro ng ganiyan dahil hindi nakakatawa," sabi niya. Umikot ang mga mata ng dalaga at sumimangot.

"I am serious, Lei," he said using his soft tone.

Umiling ang dalaga saka hinubad ang tsenilas na suot niya. Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa umapak ang mga paa niya sa malamig na tubig. Kitang-kita ang mga paa niya sa linis ng umaagos na tubig mula sa batis.

"Do you know how to swim, Lei?" nag-alala niyang tanong.

Papalubog nang papalubog ng katawan ni Lei na parang hindi narinig ang tanong ng binata. Hanggang sa ilalim na ng kili-kili nito ay patuloy pa rin siya sa paglalakad. Nanunuot ang lamig ng tubig.

"Sh*t!" napamura si Phoenix at agad na hinubad ang pang-itaas niya. Tinapon niya ito sa kung saan.

Tumakbo ang binata patungo kay Lei.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now