Napayukom ang mga kamay ni Lei habang tinitingnan ang makisig na likod ng lalaking kausap niya kanina.

"Kung hindi lang ako ganito ngayon, matagal na kitang tinalo. Ako pa ang manliligaw sa'yo," bulong niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Umirap siya at iniling ang ulo.

Bigla naman na sumulpot si Jun sa tabi niya at sinundan ang matalim niyang tingin sa unahan, "Anong tinitingnan mo?" tanong ni Jun.

Napahawak si Lei sa dibdib niya dahil sa gulat kasabay ng pagpikit ng mga mata niya, "Put*angina," malutong niyang sabi.

Napatakip naman ng bibig si Jun at pigil ang tawang nilingon siya, "Nerbyosa ka pala?" nanginig ang bahagi ng balikat niya.

"Ginulat mo ba naman ako? Mabuti na lang at hindi kita nasuntok. Sigurado ako na dudugo 'yang ilong mo," maangas niyang sabi at kinalma ang sarili. Huminga siya ng malalim at muling umiling.

Nilagay ni Jun ang dalawang palad sa likod na bahagi ng kaniyang ulo, "Bakit? Kaya mo ba ako?" pagkamangha niyang tanong, "Kaya siguro parang lalaki ka kung gumalaw." Dagdag pa niya habang ang tingin ay nasa daraanan.

Walang pinag-iba. Batuhan, puno ng punong kahoy at palayan ang dinaraanan nila. Nagpakawala ng mahinang tawa si Lei, "Kaya kitang patumbahin 'no! Ang lamya mo kayang gumalaw."

Pumuot si Jun sa kaniya at nahihiyang nagkamot ng ulo, "Talaga? Parang hindi naman, o, sanay ka lang talaga sa mga taga-manila," sagot niya, kaakibat nito ang kaniyang pagtatanggi.

"Totoo nga, tsaka maputi ka kasi kaysa sa mga taga-rito." Ngumisi siya at marahan pinalo ang balikat nito.

Hindi nila nakita ang pagbabalik ng lalaking nakataas ang kilay na may dalang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi--si Phoenix.

"Oh? I'm sorry, I forgot what's mine." Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ng dalaga at mabilis itong hinila paalis.
Panlalaki naman ng mga mata ang nagawa ni Lei at hindi makapagsalita dahil sa gulat. Napamaang siyang nakatitig sa seryoso nitong mukha at kamay na nakakapit sa kaniya. Hindi siya nagpatinag hanggang nakalayo sila sa kaibigang si Jun.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, naguguluhan siyang yumuko at nagkagat-labi. Hindi niya puweding isipin na nagiging iba ang kaniya kinikilos, hindi niya ito puweding bigyan ng malisya.

"Puwedi mo na akong bitawan, nakakahiya naman sa iba na nakakakita sa'tin," bulong niya rito matapos inikot ang paningin. Bulong at ngisi ang kaniyang nakita.

"Ayoko," matigas niyang sambit. Hindi niya man lang ito binigyan ng isang segundong tingin.

Magkasabay na tumaas ang dalawang kilay ni Lei sa kaniya, "At bakit naman hindi? Hanggang makarating tayo pupuntahan natin hinahawakan mo ang kamay ko, gano'n?" tanong niya. Umiling siya at bumuntong-hininga.

Dahan-dahan nitong nilapit ang namumulang mga labi sa kaniyang tenga, "Baka kasi bigla ka na namang tumabi sa lalaking 'yon. Alalahanin mo, lahat ng gusto ko ay gagawin mo," bulong niya. Nagdala ito ng kakaibang boltahe sa katawan niya, parang biglang nagsilabasan ang mga paroparu sa kaniyang tiyan at papaikot na nasiliparan.

Napatikom ang bibig niya at sa hindi alam na kadahilanan ay tumango siya rito, "Lahat."

"That's good, nagkakaintindihan naman pala tayo." Umayos ito ng tayo na parang walang nangyari.

Pilit na inaalala ni Lei ang damdamin niya na dahil lang ito sa isang kasunduan. Pag-iling at pagkagat ng labi niya ang siyang ginawa niya para pigilan ang sariling umasa. Dumaan sila sa masikip na daraanan, hindi man lang nagbigay ng konting kaginhawaan si Phoenix sa pulsuhan ni Lei na kanina pa niya ito hinahawakan.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon