Nakasunod ang mga mata ni Lei sa kanila at hindi maintindihan kung ano ang nangyayari.

"It's okay, this is my responsibility. Lahat ng tao dito ay sakop ko," paliwanag niya gamit ng seryosong mukha, kunot ang noo at halos maging kulubot na ang kilay.

"Sir, hindi na. Taga rito din naman ako eh." Ngumiti siya rito ng pilit at inagaw ang tray.

"Ah, teka lang ah? Anong ginagawa niyo? Ang daming gagawin diyan oh? Bakit pinag-aagawan niyo 'yang dala ni Lei?" tanong ni manang Lorna habang sinisilip ang mga mukha nila. Humalukipkip naman ang ibang nakapansin sa kanilang ginagawa. 

"Oo nga, manang. Nagsasayang sila ng oras," sabat ni Lei habang pinagkukunutan sila ng noo, "Oh! Sa inyo na nga 'yan." Mahina niyang itinulak ang tray sa kanilang dalawa at tumalikod.

Napangiti naman si manang Lorna sa dalawang binata bago umalis sa gawi nila. Naiwang nakasunod ang titig ng dalawang binata kay Lei at malagkit na nagkatinginan.

"Okay, do that. I won't do that anymore," sabi ni Phoenix sabay bigay tulak ng hawak nilang bagay na naglalaman ng isda.

"Hindi, sir. Nasasakupan mo po sila hindi ba? Ikaw na lang po."

Ibinalik ito sa kaniya ni Phoenix at hindi na humawak, "Taga rito ka 'di ba?" sabi niya habang nakataas ang isang kilay nito, "Ikaw na ang gumawa," sabi niya gamit ang sarkastikong boses niya.

Iniwan niyang nakaawang ang mga labi ni Jun habang pabalik-balik na nakatingin sa hawak at sa lalaking naglakad patungo sa gawi ng dalaga.

"Hoy, Jun! Bilisan mo diyan para makakain na tayo!" singhal ni mang Nestor na ngayon ay naglalagay ng mga nahiwang karne.

Huminga siya ng malalim, "Opo!" saka sinunod ang utos niya.

"Oh? Bakit ka nandito? Tapos na ba ang ginagawa niyo?" tanong ni Lei saka kuha ng mga sawsawan.

Sumandal si Phoenix sa nakahiwalay na mesa, "Yeah, I gave it to Jun. Namimilit talaga, eh," sagot niya.

"Ah, talaga? Sana tinulungan mo." Tumalikod siya patungo sa mesa, "Siya nga pala, dalhin mo dito ang ketchup, suka, at patis," baling at utos niya rito.

Nagpakawala ng ngiti ang binata at dali-daling kinuha ang mga gagamiting sawsawan. Sumunod agad ito sa likod niya at parang buntot ng dalaga.

Napatingin si Jun sa kaniya kaya nagkibit-balikat si Phoenix sa kaniya habang nakangisi. Tila ay nanalo siya sa paligsahan kanina.

"Lagyan mo 'yan,” utos ng dalaga sabay turo sa maliit na lagayan ng sawsawan.

"Okay." Palihim na ngumiti ang binata.

Kada lapag ni Lei ay agad naman itong nilalagyan ni Phoenix ng suka at patis at nilalagyan ng tig-iisang ketchup. Matapos ang paghahanda ay magkasama silang naghugas ng kamay.

"Bakit hindi mo ako pinansin kanina?" tanong ng dalaga at pumuot.

"I don't feel talking to you earlier,” he answered.
Napameywang si Lei habang nakaharap sa kaniya, "Ayos ka rin ‘no? Hindi ko talaga alam kung ano 'yang tumatakbo sa isip mo." Umirap siya saka nagpunas ng kamay.

Maayos na tumayo ang binata at tumingin sa kaniya, nilahad niya ang dalawang kamay nito sa harapan ng dalaga.

Tumaas naman ang isang kilay ni Lei sa pagtataka, "Anong ginagawa mo?" tanong niya.

He smirked, "Wipe my hands," he said seriously.

Pinanlakihan siya ng mga mata ng dalaga, "Bakit hindi ka ba marunong?"

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now