Sumilay ang malaking ngiti sa labi niya, "Talaga? Ayos 'yan, pre!" tumaas ang boses niya at nag-apir sa isa't-isa, "Oh? Boboy! Pedro, uwi na muna kayo, makaligo naman kayo. Ambabantot niyo na," sabi niya at napatakip ng ilong.

Inamoy nila ng sarili at nagtinginan, "Hindi naman ah? Sobra ka naman. Napapawis lang ako kanina sa gym ni boss," sagot ni Pedro.

"Hindi din naman ako mabaho, sobra ka talaga Lei." Ani Boboy. Pagtingin nila sa kaibigan ay nasa malayo nakaakbay kay Xander, "G*go talaga ang dalawang 'yan. Iniwan ba naman tayo matapos utuin." Dagdag niya habang sinusundan ng tingin ang dalawa, "Ped---," naputol ang sasabihin niya ng makitang umalis na rin sa tabi niya si Pedro papunta sa kabilang direksyon. Kumunot ang noo niya, "ANG SA-SARAP NIYO TALAGANG KAIBIGAN, BW*SIT!" malakas niyang sigaw.

Nagtatawanang naglalakad sina Xander at Lei. Sa unang tingin aakalain mong tomboy si Lei pero mahaba at maganda ang buhok niya, makinis din ang mukha at may mga konting dumi dahil do'n sila natulog sa quarters, matangkad at maputi. Iba lang talaga ang pananamit niya.

Si Xander naman ay may lahing German kaya makikita mo ang angking kagwapuhan nito. Maputi at magkasingtangkad sila ni Lei. Pinasok niya ang trabahong iyon dahil wala na siyang maasahan sa bahay nila, na-stroke ang daddy niya matapos ma-bankrupt ang negosyo nila.

"Napakawalang-hiya mo talaga, Lei. Pati si Boss muntikan ng mawalan ng hininga dahil sa'yo," sabi niya habang natatawa. Huminto sila kung saan naka-park ang itim niyang motor.

"Si Boss lang 'yan. Magiging masaya tayong lahat kung mamatay na 'yan." Lumakas ang tawa nilang dalawa. Kinuha niya sa kamay ni Xander ang helmet at isinuot ito sa ulo niya. Sumasabay na lang siya sa kaniya dahil sayang ang pamasahe.

"'Pag ikaw tuluyan niya, naku!" biro niya bago pinaandar ang motorsiklo.

Umismid siya at sumakay sa likod, "Hindi niya ako babarilin, mautak 'yon. Ayaw niyang mawala ang pinakamagaling magnakaw sa grupo niya." Umiling siya saka humawak sa beywang ni Xander.

"Yeah, and he'll not like the idea that you can't pay your debt."

"Debt is debt, your life or pay debt," sagot niya bago nagsimulang tumakbo ang motor na kung saan siya lulan.

***********

"Oh? Mga pare! Galingan niyo ngayon ah?" sabi niya at marahang pinalo ang nga balikat nila. Nakasuot sila ng magandang at makukulay na damit ngayon parang totoong magmo-mall sila.

Si Lei at nakasuot ng pencil skirt na hapit na hapit sa kaniya kahubugan at manipis na top na kita ang kaniyang cleavage at puting boots na hiniram niya sa kapit-bahay kaya hindi siya komportable sa kaniya damit at kilos lalaki pa rin.

Ang tatlong lalaking kasama niya ay nakasuot naman ng polo at preskong nakabukas ang tatlong butones na kita ang kanilang magagandang dibdib, may pekeng magandang hikaw at dala ang kagwapuhan nila.

Shades on...hindi sila puweding magkasamang pumasok. Dahil sa taas sina Xander at Lei, si Boboy at Pedro naman sa baba. Kumindat si Lei sa kanila at isinuot ulit ang shades. Nakahawak ang binata sa kaniya beywang at hinapit ito.

"Ayosin mo nga ang galaw mo, parang lalaki ka pa ata sa'kin, eh," bulong ni Xander na may halong reklamo.

"Puwedi naman kasi akong mag-pants na lang at malaking damit pero puteks, kita ang dibdib ko, pre!" may diin niyang bulong bago ngumiti sa nakikitang tao.

"Hindi nga puwedi, dapat maayos mukha nating lahat," tugon ng binata.

Umismid ito, "Mukha bang may sira mukha natin? Teka nga! Ayusin mo 'yang kamay mo ah? Nakikiliti ako puteks!" pigil ang tawa niya sa harap ng guard.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now