Simula

40.4K 663 24
                                    

Third person’s POV

Suot ang butas-butas na pants, malaking damit at halos mawala ang totoong kulay ng sapatos. Si Lei ay nakaupo sa isang upuan patagilid at naka-ekis ang dalawang paa, nguya-nguya ang bubble gum sa loob ng bibig niya.

"Lei, nakikinig ka ba?" tanong ng boss nila. Tumaas ang kilay nito. Nanatili si Lei sa kaniyang ginagawa at pinalobo ang bubble gum hanggang sa sumabog ito sa bibig niya.

May dalawang kamay na yumugyog sa kaniyang magkabilang balikat, "Lei, tinatawag ka ni boss!" sabi ng lalaking halos gumulo ang mukha sa kaba.

Dinilaan niya ang paligid ng bibig upang maipasok ulit ang gum bago binigyan ng tingin ang boss na nakakunot ang noo'ng nakatingin sa kaniya, nasa ibabaw ng mesa ang dalawang pinagsaklop na kamay at dahan-dahan itong nagiging mahigpit.

Kalmadong tumingin si Lei ng deretso sa kaniya at itinaas ang magkabilang gilid ng bibig, "Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong niya.

Hindi man lang nagkaroon ng takot sa kaniyang mukha. Hindi kagaya ng mga kasamahan niya halos maihi sa sariling pantalon. Tumawa si Lei ng malakas, "Boss, naman! Masahiin niyo nga siya, mahirap na baka ma-stroke," sabi niya at sumandal sa upuan.

Dali-dali namang nagtakbuhan ang dalawang lalaki sa likod niya at menasahe ito.

Napailing ang matabang boss nila at napapikit na tila ay kinakalma ang sarili, tinaponan niya ng masamang tingin ang dalaga, "Lei, umayos ka nga! Tandaan mo ah? Andami mo pang utang sa'kin kaya ayosin mo ang trabaho mo!" sigaw niya.

Napatakip ng bibig si Lei at pigil ang tawa. Paano ba naman kasi muntikan ng maputol ang ugat niya sa leeg sa sobrang gigil sa kaniya.

"Boss J, naman! Kalma ka lang. Baka ma highblood ka niyan..."

Si Boss J ay isang matabang, malaki ang tiyan, nasa 60's na siya at retired na sa pagiging magnanakaw. Malaking pera ang ninanakaw nila pero ngayon ay sa maliit muna sila dahil mainit pa ang grupo sa mata ng gobyerno. Si Lei ang pinakamagaling sa lahat pero gano'n din kataas ang utang niya sa boss nila.

Lumalim ang mata niyang kanina pang nangingitim dahil sa inis, wala talagang kadala-dala itong si Lei. Sakit sa ulo at hindi mo alam ang trip.

"Umalis na nga kayo!" sigaw niya ulit at pinagtutulak ang taong nasa likod niya. "Alisin niyo ang babaeng 'yan sa harapan ko!" itinuro niya ang dalagang nakabungisngis at nakapamulsang tumayo.

"Relax, aalis na nga. High blood ka talaga, eh." Kumindat siya sa kaniya para asarin ito at mabilis din na tumakbo ng makitang kinasa ni Boss J ang hawak niyang baril, "T*ngina naman, ayoko pang mamatay!" sigaw niya habang walang habas na tumawa.

Nakasunod sa kaniya ang mga grupo niya nagsisitawanan sa likod niya. Nang makatapak sa kalsada ay tumingin siya sa mga ito at pinatutulak ang ulo nila gamit ang daliri niya.

"Kayo ah? Ang bu-bwesit ninyo!" matigas niyang sabi at dinura sa gilid ang bubble gum niyang naubos na ang lasa, "Teka, saan ba daw tayo ngayon?" tanong niya. Nakatayo siya habang nakapa-meywang.

Tinapon ni Xander ang sigarilyo niya bago nagsalita, "Uuwi, day off natin ngayon pero bukas mall tayo. May mall show kasi kaya madaming tao bukas," sagot niya. Tumaas-taas ang dalawa niyang kilay at ngumiti.

Si Xander ang pinaka-close niya. Maliban na kapitbahay niya ito sa maliit na subdivision ay magkababata sila at oo, sa subdivision sila nakatira. Ginamit niya ang perang nautang sa boss nila para bumili ng bahay kaya aabot na ng limang million ang utang niya. Kasabay no'n ang pagkakasakit ng nanay niya at bayad sa buong college ng mga kapatid niya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now