I groaned. "Ano pa'ng use ng pagtatanong mo, Mommy, kung free ba ako? Gusto kong matulog. Napagod ako sa pag-aaral..."

Baka sakaling hayaan niya ako sa gusto ko dahil ngayon lang ako ganito. Pero hindi siya natinag sa gusto niyang mangyari.

"Sige na... Wala akong kasama, Anak."

Kahit matigas ang ulo ko, hindi ko pa rin matiis ang Mommy ko lalo na kapag ganito na siya. Mukhang nagmamakaawa sa akin, pero sa totoo ay scripted ito. Tumango na lang ako at pinakinggan ang mga bilin niya. Mag-ayos na raw ako ng sarili at aalis na kami pagkatapos ng ilang minuto.

I'm not nervous at all since I know Xydon wouldn't be there. Sabado ngayon at nasa kumpanya niya sila panigurado, tumutulong sa kanyang Daddy. Iyon kasi ang sinabi niya sa akin noon.

"Ano na naman ba ang gagawin mo roon, My? Chika na naman?" I locked my seatbelt and fixed my hair. Binaba ko ang salamin sa harap ko para tingnan kung maayos ba ang aking mukha. Maayos naman.

"Anong chika? May project kaming binabalak sa probinsya, Ishan. Magtatayo kami ng clinic..."

Tumango-tango ako, interisado. Mahilig si Mommy sa mga ganitong proyekto. Kaya rin hindi ako masyadong maluho dahil mas gusto ko na sa mga ganitong bagay nilalaan ni Mommy ang mga perang kinikita niya.

"Talaga? Buti naman, My!"

Ito ang pinakagusto ko kay Mommy, may puso siya sa mga taong nangangailangan ng tulong. Isang bagay na gusto kong makuha sa kanya. I can't say I'm kind as her, but I'm trying to be like her, not to gain compliments but to help people who are in need.

Pagpasok namin sa kanilang bahay, tama nga ako dahil wala si Xydon. Ate Rhione greeted me before she went out to meet her friends. I was told that Cheonsa was out as well to meet her cousins. Wala tuloy akong kausap dahil si Mommy ay hinila na ni Tita sa garden. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako sa sinabi ng Mommy nila.

"Don't worry, Ishan... Someone might rush here to accompany you. Huwag kang mabagot, Anak..."

Hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip ko. Hindi naman siguro iyon pupunta rito, at isa pa, hindi niya alam na nandito ako...

Hindi tayo sigurado. Baka nakarating sa kanya lalo na't malakas mang-asar si Ate Rhione kanina sa akin. Panay pa ang pagtipa sa kanyang cellphone.

I heard a capture from a phone camera. Pagbaling ko mula sa puting coach, nakita ko si Tiago. Bigla akong nahiya dahil masyado akong komportable sa upuan habang kumakain ng ice cream.

"Nandito ka..." puna niya. "Wala rito si Zeus. Nandoon sa kumpanya nila, nakikipag landian sa mga babaeng sekretarya."

I don't know why he had to say that. The phone was still focused on me, pero palagay ko naman ay hindi siya kumukuha ng video.

"Sinama lang ako ni Mommy..." bunsangot kong sabi at binalik na ang mga mata sa telebisyon.

Naglakad siya sa harap ko. Napansin ko ang cellphone niya sa ganoon pa rin na ayos. Doon na ako nagtaka.

"Are you filming me?" inis kong paratang. Binaba niya kaagad. "Delete mo 'yan, Tiago..."

Humalakhak siya. "Wow, walang Kuya? Si Zeus ba, Kuya ang tawag mo roon?" pang-aasar niya pa rin sa akin.

Hindi ako umimik kaya humagalpak siya ulit ng tawa. He looks more bad boy than Mooze, but talk more playful. Malaki ang katawan, parang kay Xydon. Mas matangkad lang si Xydon sa kanya ng kaonti. Maputi rin siya at may pagka-chinito. Hindi ko tipo.

"Una na nga ako. Baka masapak ako ng stalker mo..." anito at nag martsa na paalis habang sumisipol.

Ano kaya ang sadya no'n dito? Sabagay, siya nga itong kamag-anak tapos ako pa itong kukwestunin ang presensya niya rito.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now