Invisible 13: ALEX

Mulai dari awal
                                    

“Penge akong isang. Isa lang naman eh. Hindi niya mahahalata na kakainin ko 'to," parang batang sabi pa ni Brayden.

“Ano ba yan, Brayden! 'Di ka na talaga naawa kay Son," saway ni Tim.

“Isa lang naman. Papalitan ko pa 'to ng sampu," mayabang na sabi ni Brayden.

“Weh?”

“Galing mag joke ah!”

“Psh!”

“Tss!”

“Asa!”

“H'wag ka ngang magjoke!”

“Grabehan ha! Bakit ba ayaw niyong maniwala? May pera naman ako.” Dumukot si Brayden sa bulsa at inilabas ang piso.

“Nice. Nainggit naman ako sa piso mo," puno ng sarcasm na sabi ni Tim.

Natawa naman si Landon. "Ang daming pera ah! Makakabili ka niyan.”

“Eh ikaw? Ano bang dala mo?” tanong ni Brayden kay Landon.

“Ayan oh! Nagshare-share kami riyan para makabili ng isang basket ng fruits," pagyayabang ni Landon.

“Lahat pala kilala na siya ng mga boys, 'no?” nakangiting sabi ni Kaye.

“Oo. Lahat sila," sagot naman ni Bea.

“Nakakatuwa kasi si Son kaya siguro malapit siya sa mga boys kahit ang mga suplado riyan naging malapit na kay Son.”

Natawa naman ako nang mahina sa tinuran ni Kaye. Tama kasi siya. Isa iyon sa mga nagustuhan ko kay Son.

“Kapag kasi kinausap ka ni Son kahit ayaw mong makipag-usap, hindi mo na lang mapapansin na tumatawa ka na kasabay niya," nakangiting sabi ni Bea.

“Kahit si—“

“Oy, Kaye! Punta ka nga rito. Papakilala kitang girlfriend kay Son.” Tawag sa kanya ni Brayden.

“Girlfriend ka riyan.” Lumapit naman si Kaye.

“Joke lang.” Brayden

“Bawal magjoke.” Kaye

“Ang suplada mo ngayon Kaye para kang si Mi—“ Brayden

“Mabait kaya siya," putol ni Kaye sa sasabihin ni Brayden.

“Yeah! Whatever," maarteng sabi ni Brayden.

“Hoy, Bray bakit kain ka nang kain diyan!”

Napatingin ako kay Son nang marinig ko ang boses niya. Si Bea naman ay napatayo. Natahimik kaming lahat at pawang nakatingin kay Son. Habang ako ay ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib. Ibang kasiyahan ang naramdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik.

Nang may isang nagtangkang lumapit kay Son at nagsigayahan na ang lahat. Nakita ko na nakangiti si Son kay Brayden na nagulat. Nakaupo pa ito sa higaan ni Son habang kumakain ng apple.

“Oh bakit ganyan mukha niyo? Saan ang multo?” nanghihinang sabi ni Allison. Natawa pa siya ng mahina.

“Gising ka na?”

“Thank God!”

“Wahh! Namiss kita Son!!”

"Ay hindi tulog pa kaya ako. kaya nga nakakapagsalita na ako. Ingay niyo, kitang natutulog ang tao," reklamo ni Son.

“Gising na talaga ang mahal na prinsesa. Akala ko kailangan ko pang tawagin si hubibi este ang Prince charming ng mahal na Prinsesa," nakangiting sabi ni Ikey.  Napapasimangot naman ako kapag naririnig ko ang word na Hubibi.

“Shh! 'Wag kang maingay Ikey-baby, pero bakit andito kayong lahat sa kwarto ko? Lagot kayo kay Papa kapag nahuli kayong andito sa kwarto ko."

Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Son.

“Ibang klase ka talaga, Son-baby. Napapatawa mo kaming lahat," nakangiting sabi ni Ikey.

“Hindi naman ako nagpapatawa ah!” nakapout na sabi ni Son.

“Kaye, do'n tayo sa labas. may sasabihin lang ako," mahinang sabi naman ni Bea kay Kaye.

Nang makita kong babangon si Son para umupo ay lumapit ako agad at inalalayan siya.

“Nice. To the rescue," pang-asar pa ni Tim. Misan talaga okay nang tulog si Tim. Mapang-asar kasi kapag gising.

“Salamat Alex,” nakangiti sabi ni Son.  “Aray," napadaing siya.

“Bakit? Anong masakit?” nag-aalalang tanong ko.

“Tagiliran ko," nakangiwing sabi niya habang nakahawak sa tagiliran.

“H'wag mo ng hawakan.” Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal sa pagkakahawak sa tagiliran niya.

“Pero bakit nga andito kayo sa room ko?” tanong niya ulit.

“Son-baby, ampangit pala ng room mo. Puro white?” wika ni Ikey. I really hate their endearment.

“Puro white ka riyan. Pink kaya ang wallpa--" napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa paligid ng kwarto. “Where the hell am I?”

“Hindi 'to hell, mahal na prinsesa. You're currently at the hospital at may gwapo ba sa hell?” nagpapogi na sabi ni Drew.

“Wala. Ay! Ano'ng ginagawa natin sa hospital? Sinong may sakit? Hala!”

Nagtawanan na naman kami dahil sa cute niyang reaction. Nakakamiss ang pagiging slow ni Son.

“Ako siguro, Son. Kaya nga ikaw ang nakahiga riyan hindi ako, kasi ako ang pasyente," puno ng sarcasm na sagot ni Brayden.

“Pinagloloko mo ako, Bray. Tss! Bakit ang sakit ng tagiliran ko? At bakit ako ang nakahiga rito?” Napatingin siya sa kama tapos sa suot niyang damit. “Anong klaseng dress to? Out of fashion!”

“Son-baby, 'di mo ba alam mga nangyari sa 'yo?” tanong ni Ikey.

Napaisip siya. Napasimangot siya paminsan-minsan. Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay tumingin siya kay Ikey. "Lapit ka Ikey-baby.”

Lumapit naman si Ikey kay Son at may binulong ang huli. Nakakainggit talaga ang closeness nila.

“Hayy! Son-baby.” Ginulo-gulo ni Ikey ang buhok ni Son.  “Naaksidente ka po. Nabangga ng kotse ang sinasakyan mong jeep at ikaw ang napuruhan.”

"Kahit sa gano'ng situation ang slow mo pa rin," wika ni Tim.

“Ang bilis kaya ng nangyari. 'Di ko na alam, basta nablock na lang ako," pagdadahilan ni Son.

“May tumawag na bang doctor?” biglang tanong ko nang maalalang kailangang macheck-up muna si Son ngayong nagkamalay na siya.

“Wala pa ata. Masyado silang nasiyahan ng magising si Son," nakangiting sabi ni Nathan.

“Haist! Ako na nga lang." Lumabas na ang ng kwarto para tumawag ng doctor.

InvisibleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang