INVISIBLE 4: (AINA)

515 10 0
                                    

Nandito ako sa may tabi ng kwarto. Naka-upo habang pinagmamasdan ang taong dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Pilipinas. I should be in US because all of my family is in there. But I choose to be here, to be with someone I love.

Napangiti ako ng mapait. I should be happy seeing him smiling, laughing… but damn! He’s happy seeing somebody else! He’s happy to be with someone else!

Hindi na ako ang dahilan ng pagngiti niya. Hindi na ako ang dahilan kung bakit siya masaya.

Dapat ba akong magalit sa kanya dahil pinagpalit niya ako habang nasa US ako?

Wala pala akong karapatang magalit, dahil hindi naman kami noong umalis ako papuntang US. Wala kaming commitment sa isa’t-isa. MU lang kami noon.

Napahinga ako ng malalim. Alexander Morrison; ang nag-iisang taong minahal ko sa loob ng apat na taon, ang taong kapag sinabing gusto ka niya ay ikaw lang talaga at hindi na siya titingin sa iba, ang taong kahit tarayan mo ay mahal ka pa rin, ang taong basta naka-set na sa mind ang isang bagay ay gagawin at gagawin niya kahit masaktan pa siyang may katawan.

Ako? Aina Maria Ysabbelle; ang taong walang ibang minahal kung hindi si Alex, ang taong walang ibang inisip kung hindi ang makabalik sa Pilipinas para makasama ang taong pinakamamahal niya.

I heave a sigh once more at tumayo para lumapit sa kanila. I just want to confirm if talagang hindi na niya ako kilala o talagang hindi niya lang ako napansin noong magkasalubong kami dito sa Bar. Gusto kong isipin na hindi niya ako napansin. Gusto kong isipin na nagkataon lang na madilim noon kaya hindi niya ako nakilala. It’s been five years at parehong malaki ang pinagbago namin.

Nakakatawa! Niloloko ko na ang sarili ko.

 

“Galing mo na, Son. ‘Yon nga lang, ‘yan lang song na ‘yan ang alam mo kasi ‘yan lang naman ang inaral natin,” narinig kong sabi ni Drew, kabandmate ko, kay Son, ang taong apple of the eye ni Alex.

 “Okay na ‘to. Ito lang naman ang kelangan kong matutunan for now,” nakangiting sabi ni Son kay Drew. I don’t hate her, I’m just jealous.

 

“Gusto mo pala sumama bukas? Pupunta ang barkada dito, mag-a-unwind,” yaya ni Drew kay Son. Gusto kong sabihin ‘wag dahil sa mga oras na nga lang iyon nakakapagpahinga ang puso ko sa pagseselos dahil sa mga oras na iyon ay walang ibang babaeng tinitingnan si Alex.

 

“Sige,” nakangiting pagsang-ayon ni Son at tumingin kay Alex na nasa tabi lang niya. “Sunduin mo ako, Lex, sa bahay ha? Text mo pala ako kasi baka makatulog ako.”

 

“Okay,” walang pagdadalawang isip na sang-ayon ni Alex. “Gusto mo tawagan pa kita eh.” 

Ang sakit. Nagsisikip ang dibdib ko nang dahil sa selos. Dati-rati sa akin siya gano’n, ‘yong lahat ng sabihin ko agad niyang sasang-ayunan nang walang pagdadalawang isip.

 

“Ikaw ang bahala,” masayanng sabi ni Son. I still don’t know what’s with them pero still, nagseselos ako.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon