Invisible 22: AINA

243 10 1
                                    

"Miss Aina, kami na po ang bahala rito. Mag-ayos na po kayo sa room niyo at baka magsidatingan na ang mga bisita niyo," nakangiting sabi sa akin ng nag-o-organize ng party sa loob ng bar.

"Are you sure?" Nag-aalala kong tanong. I want everything to be pefect. I don't want any mess especially today, especially this special day.

"Breath, Miss Aina. Everything will be alright according to your plan. Just go to your room. Take a bath. Changes your clothes. Do some make up before visitors came in."

Napatingin ako sa suot at ayos ko ngayon. Nakatali lang ang buhok ko na ang iba ay kumawala na sa pagkakatali. Nakahanging blouse lang ako at short. Napangiti ako. I really need to get a shower. And do some make up before my boyfriend came in.

Pumunta na ako sa kwarto ko at lumawak ang pagkakangiti ko nang makita ang dress na susuotin ko, ang damit na pinaghirapan naming hanapin ni Alex, ang dress kung saan-saan kami napapadpad dahil kung meron man akong nagugustuhan ay ayaw naman ni Alex at vice versa. Nakakatuwa dahil kahit ang arte kong mamili ay hindi niya pinapahalatang pagod siya. Kung dati ay pinipilit niya akong maging katulad ni Son, ngayon ay ang mga gusto ko na gusto niya ang nasusunod. Hindi lang basta gusto niya.

--

Natapos na akong mag-ayos nang may kumatok sa kwarto ko. Pumorma ang ngiti sa labi ko. "Open," malakas kong sabi at inabala ang sarili ko sa pagli-lipstick. Nakasuot na ako ng dress. Shoes na lang ang kulang at gusto kong si Alex ang magsusuot niyon. Sinanay niya kasi ako.

Sa tuwing susunduin niya ako dahil may lakad kami ay pinagmamadali niya ako na kahit ang pagsusuot ng sapatos ay siya na ang gumagawa. I find it sweet.

"Are you ready?" masayang tanong ng pumasok sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng konting pagkadismaya nang si Edward ang bumungad, ang guitarist ng Swifty Rock.

Lumingon ako sa kanya. Hindi ko itinagong nadismaya ako dahil siya ang bumungad. "Yeah. Nakarating na ba ang mga bisita?" Halos nakasimangot kong tanong.

"Sino bang bisita ang tinutukoy mo?" Tukso niya sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

Nawala ang simangot ko dahil sa tinuran niya. Natawa ako nang mahina at umiling. Of course darating siya. Dahil once na dumating siya ay sa akin siya unang didiretso according to our plan.

"You look beautiful with that dress," papuri niya.

Tumayo ako at mala-prinsesang nag-bow sa kanya. "Thank you."

Natawa siya. "Within fifteen minutes ay magsisimula na. You better go down. Hindi pwedeng ang birthday celebrant ang late sa kanyang celebration. Marami nang dumating na bisita."

Nakangiti ko siyang pinaikutan ng mata. "Opo."

Lumabas na siya ng silid at napatingin sa wall clock na nakasabit sa room ko. Fifteen minutes pa, maaring na-traffic lang siya. Humarap ulit ako sa salamin at sinuklay ang tuwid kong buhok gamit ang kamay ko. He wants my hair to be this simple.

Napahinga ako nang malalim at tumayo. Kinuha ko ang shoes pero hindi ko pa isinuot. Hihintayin ko si Alex.

Five minutes have been passed. Nakakaramdam na ako ng kaba. Napatingin ako sa phone kong nakapatong lang sa tabi ko. Tatawagan ko ba siya?

Nagpalakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko nang nakapaa. Napatingin ako sa orasan. Ubos na ang fifteen minutes.

Nag-aalala ako. Naaksidente kaya siya? Pero kung naaksidente siya, malamang ay may tumawag na sa akin para sabihin iyon. Sasabihin din sa akin ni Drew if ever.

InvisibleWhere stories live. Discover now