INVISIBLE 1: (ALEX)

1.6K 24 3
                                    

Nakilala ko siya sa isang party. Iba ang tama niya sa akin nang makita ko siya sa entrance with her pink dress, 'yong pagngiti ng labi niya ay kasabay ng pagngiti ng mga mata niya. Tumibok ang puso ko no'n at iyon ang pangalawang pagkakataon na naramdaman ko ang puso kong nagwawala. 

Nang may pagkakataon ay lumapit ako sa kanya para malaman ang pangalan niya, sa una ay naiilang pa siya pero sa kalaunan ay naging at easy siya sa akin. Nagawa niyang sagutin ang mga tanong na dapat kung malaman.

Name: Princess Allison Mercedez 

Friend: Beatriz Mendez 

Sapat na ang mga impormasyon na iyon para mas makilala ko siya. I've known Beatriz for so long but never been talk to her. I'm not that talkative to any girl around me except my Mom and Alexa, my only sister. Idinistansiya ko ang sarili ko sa mga babae when my first love broke me, I mean when she left me without any word. I just thought that every girl didn't know how to appreciate every little things that man did to her. 

But anyway after that, nangalap ako ng mga impormasyon tungkol kay Son. Gusto niyang tinatawag siyang Son. 

I talked to Beatriz when I saw her. Nagulat pa siya sa akin when I talked to her.

"Hello, Bea," naiilang kong bati sa kanya. 

Napatingin siya sa akin nang may halong pagkagulat sa kanyang mukha. "Oh?" 

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Alam ko na nagtataka siya dahil kinakausap ko siya. "'Di ba sa Trinity ka nag-aaral?" 

Napakunot noo siya at tumango. "Y-yeah! Bakit?"

Napatango naman ako. "Wala naman," napangiti kong sagot. 

Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin. 

"What course mo?" tanong ko para alam ko kung saang department ko pupuntahan si Son. Excited na ako. 

"Accountancy," nagtataka pa rin niyang sagot. 

"What time start ng class mo?" tanong ko uli. Alam kong ang weird ko na. Ang dami ko ng tanong. 

"Ten, bakit ang dami mong tanong?" hindi nakatiis na tanong nito.

"Wala," natawa ako ng mahina sa sinabi ko. "Thank you. See you on Monday!" paalam ko dito at umalis na ako. 

Napapangiti ako habang papalayo. Konti lang naman ang nakuha kong information pero natutuwa na ako. Para akong bumalik sa pagiging highschool. 

Nitong college ay nagbago ako. Hindi nakikipag-usap sa mga babae at tingin lang ang laging sagot. It may be rude but I don't care. My friends even call me womenhater but I'm not, I just don't like to be closed to one of them. Tama na ang Mom at si Alexa na lang ang nagpapasakit ng ulo ko. 

After no'ng party, Monday, ay pumunta ako sa Trinity University. Medyo kabisado ko naman ang University na 'to kaya nahanap ko agad si Son. Nakita ko si Son na nakasandal sa upuan habang nakapikit. Tumabi ako sa kanya. Ang bading talaga dahil para akong stalker sa lagay na 'to. 

"I told you to call me para magka-next time pa," sabi ko dito without greeting. 

Napasigaw siya sa pagkagulat at kamuntik muntikan pang mahulog sa upuan.

Nag-aalala naman ako. "Are you okay?"

Tiningnan niya ako ng masama. "Am I okay? Ikaw kaya ang gulatin ko at muntik muntikan ng mahulog sa upuan. Magiging okay ka?" 

Napaiwas naman ako ng tingin. "Sorry. Sorry." 

Tiningnan niya lang ako ng masama at hindi na pinansin.

InvisibleWhere stories live. Discover now