Invisible 19: AINA

236 6 0
                                    

"Good mor—" Hindi ko na naituloy ang pagbati ko kay Alex nang hilahin niya ako. "Why?" nagtataka kong tanong.

"Bilisan natin," walang lingon-likod na sagot niya lang.

"Aina!"

Napalingon ako kay Angel na nasa kwarto pa namin at kumakaway sa akin na parang pinapabalik ako sa room. "Wait lang, Alex." Tinanggal ko ang nakahawak na kamay ni Alex. Nagtataka ako sa pagmamadali niya.

"Sige. Mauna na ako sa dining area, okay? Naaksidente kasi si Son. I need to see her if she's okay," nag-aalala niyang sabi. Hindi mapakali ang mata at panay ang hawak niya sa sarili niyang kamay.

May kumirot sa dibdib ko pagkarinig ko pa lang ng pangalan pero ngumiti lang ako, as usual, at tumango. "Sige."

Tumalikod na siya at nagmamadaling naglakad. Hindi man lang nag-abalang lumingon sa akin.

Napahinga na lang ako nang malalim at mahinang sinuntok-suntok ang dibdib ko para mawala kahit papaano ang pakirot. Hindi na talaga magbabago. Si Son at si Son pa rin talaga. Kahit ano'ng gawin ko ay si Son pa rin. Dapat maawa ako kay Son o makaramdam ng simpatya dahil naaksidente siya pero hindi ko iyon maramdaman, ni ang magulat ay hindi.

"Si Alex?" takang tanong ni Angel habang inaayos ang strap ng dress na suot niya.

"Nauna na. Naaksidente raw si Son kaya nagmamadali siya."

Tiningnan ako nang matiim ni Angel na parang sinusuri.

"Why?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ka nagseselos?" nagtataka niyang tanong at naglakad kaya napasunod na lang ako.

Ngumiti ako nang malungkot. "Nagseselos," amin ko.

Tiningnan ako nang nakangiwi ni Angel. "Hindi halata."

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Sanayan lang 'yan. Hindi ko nga alam kung selos pa ba itong nararamdaman ko. Lagi ko na lang kasing nararamdaman kaya parang parte na ito ng buhay ko sa araw-araw."

Tumigil sa paglalakad si Angel at humarap sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh?"

"Bawal sa 'yo ang makaramdam ng sobrang kasiyahan at lungkot. Bawal sa 'yo ang sobrang selos. Wala kang nararamdaman ngayong masakit sa dibdib mo?"

Napahinga ako nang malalim at mahinang pinalo-palo ang dibdib ko. Ang galing ko na ring magkunwaring okay kahit literal na naninikip na ang dibdib ko. "Masakit. Naninikip ang dibdib ko pero dahil madalas kong maranasan ay parang part na siya ng pagkatao ko."

Kung malalaman ng iba ang nararamdaman ko ay paniguradong kakawaan nila ako. Kahit sarili ko ay kinakaawaan ko na. How can I let go of myself to him? Gusto ko na na ayaw ko pa.

Bakit ang tanga ko? Gusto ko na lang matawa sa pinaggagagawa ko sa buhay ko.

--

Nang makarating kami sa dining area ay nakita ko si Alex na nakayakap kay Son. Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng short ko. Isipin mo Aina, na nag-aalala lang si Son, na magkaibigan lang sila at natural lang na mag-alala, natural lang na yumakap nang mahigpit.

Damn! Masakit kahit pa ano'ng dahilan ang sabihin ko sa sarili ko.

"Okay ka na nga. Nagbibiro ka na e," nakangiting sabi ni Alex, nakahinga nang maluwag at t-in-ap ang likod ni Son.

Alex, kailangan ko rin ng pag-aalala mo. Hindi mo ba nakikita ang kirot sa pekeng ngiti ko? Hindi mo ba nakikita ang luhang nangingilid sa mga mata ko na pilit kong pinipigilang tumulo?

Naiilang naman na napangiwi si Son dahil na rin sa tagal nang pagkakayakap sa kanya ni Alex. "Ang lalim kasi ng pool! Gusto akong kainin ng buhay. Si Brayden na lang sana nilunod niya, hindi rin naman siya marunong maglangoy eh."

InvisibleWhere stories live. Discover now