Invisible 15: ALEX

294 9 0
                                    

Maaga akong pumunta sa bahay nina Son para sunduin siya. Since hindi siya pinapayagang mag-commute kaya ako na lang ang maghahatid sa kanya kung saan sila nagkikita nk Mitch. Para kay Son. Para sumaya siya.

"Morning, Papa, Mama."

Napatingin ako kay Son na kakababa lang ng hagdan, nakapanjama at hindi pa man lang nakakapagsuklay.

"Princess, bakit ka bumaba sa ganyang ayos?" gulat na tanong ni Tito at napatingin sa akin.

"Tinatamad pa po kasi akong maligo at inaantok pa kaso nagugutom na ako kaya bumaba na ako," sagot ni Son at pumunta nang dining area.

Sinundan ko siya.

Nang makaupo na siya ay pumikit ulit. "Inaantok talaga ako, Papa."

"Good morning Son," pagpaparamdam ko sa kanya para ipaalam na nandito ako.

"Good morning di—“ Nagmulat siya ng mata at nanlaki ang mga mata nang makita ako. Napasigaw siya at tumayo "Papa bakit hindi mo sinabing may ibang tao?" sigaw niya at nagmamadali nang umakyat sa kanyang kwarto.

"Sasabihin ko naman sana Princess, kaso mukhang gutom na gutom ka na," sigaw ni Tito.

"Papa naman eh!" maktol pa rin niya na nagpatawa sa akin.

"Bakit sumisigaw si Son?" tanong sa amin ni Tita galing sa likod ng bahay.

"'Yang anak mo kasi bumaba ng nakapantulog pa at antok na antok. Gulo ang buhok. Hindi niya agad napansin si Alex. Akala niya siguro tayo lang andito kaya nagulat siya nang makita sa harapan niya si Alex," natatawang pagkukwento ni Tito.

"Oo nga po, Tita! Nanlaki ang mga mata niya at kumaripas ng takbo pagkakita sa akin," natatawa ko naman kwento.

"Kayo talaga. Pinagtawanan niyo pa si Son. Kain na nga kayo."

"Hindi mo kasi nakita, Hon," Sabi ni Tito na umakbay kay Tita.

"Bakit nga pala bumaba 'yon nang hindi pa naliligo? Lagi naman siyang bumaba nang nakaayos na?" takang tanong ni Tita.

"Gutom daw kasi siya," sagot ni Tito.

"Kapag talaga gutom ang umataki riyan kay Princess. Hindi na tinitingnan ang ayos niya."

"Oo nga po, tita. Nakakatuwa talaga si Son," nakangiting sabi ko. Ang ganda niya pa rin kahit bagong gising.

"May gusto ka ba sa anak ko?" seryoso tanong ni Tito.

Natigilan ako.

"Hon, ano ba namang 'yang tanong. Obvious naman ang sagot," nakangiting sabi ni Tita.

"Kino-confirm ko lang naman," nakangiti na ulit na sabi ni Tito.

"Kain na nga lang kayo para si Princess na lang hihintayin niyo mamaya."

--

"Son, baka mabunggo ka," paalala ko kay Son nang makitang nakatungo siya habang naglalakad.

Tumingin siya sa akin ng nakasimangot. "Bakit ka andito?

Ngumiti ako sa kanya. "Gusto kitang makita."

Inismiran niya lang ako at tinalikuran. Pumunta siyang dining at kumain.

"Princess, si Alex ang maghahatid sa 'yo?" tanong ni Tito kay Son.

"Bakit po?"

"Ha? Sabi niya napag-usapan niyo raw?" Naguguluhang sabi ni Tito at napatingin sa akin

"Oo nga, Tito. Napag-usapan namin pero alam mo naman na makakalimutin si Son," pagdadahilan ko.

"O-oo nga pala, Papa. He-he. Nakalimutan ko," palusot ni Son kahit walang alam sa nangyayari. She trusts me. At napangiti ako sa naisip ko.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon