Invisible 12: AINA

256 10 1
                                    

"Let's have a date, Aina."  Nakangiting sabi ni Alex nang dumating siya sa kwarto ko.  May sarili na siyang susi kaya nakakapasok siya kahit tulog pa ako.

Bukas ang bar sa umaga, kung saan ang daan papunta sa room ko, dahil hindi lang naman basta bar ang business ko.  Bar and restaurant iyon kaya malayang makalabas-pasok si Alex.

Napakunot-noo ako.  "Ang aga namang date? Wala ka bang pasok ngayon?"  Halos kakagising ko lang at hindi ko pa man lang nagagawang magtoothbrush.  Tinatamad pa akong bumangon dahil late nang natapos ang gig namin kagabi.

"Later pa."  Umupo si Alex sa gilid ng kama at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.  "Get up and prepare yourself."

Napangiti ako sa ginawa niya.  He's thoughtful.  He's sweet.  He's caring.  Paanong hindi ako mahuhulog ng sobra sa kanya kung ganito siya lagi kasweet.

"Okay."  Lumapit ako sa kanya.  I wrapped my arm around his neck and pull him closer to mine.  Napahiga pa ako sa kama habang nakapaibabaw siya.  I gave him another kiss.

Napangiti siya sa ginawa ko.  Umalis na siya sa pagkakapaibabaw sa akin at tinulungan akong makabangon ng tuluyan.

"Antok pa ako, Alex," mahinang sabi ko.

"Come on... magprepare ka na."

Napaunat ako nang tuluyan na akong makatayo.  "Alright.  Alright."

--

Pumasok na ako ng banyo.  Nang isara ko ang pinto ay napangiti ako. Nawala ang antok ko kapag siya itong nabubungaran ko.

At nagyayaya pa siya ng date!

Binilisan ko na ang paliligo para hindi maghintay ng matagal si Alex.  Hindi kami madalas lumabas ni Alex kaya excited ako sa tuwing magyayaya siya.  Medyo antok lang ako kanina at hindi pa masyadong nagsisink-in sa utak ko na niyayaya na pala niya ako ng date.  Laging unexpected pa naman kapag nagyayaya siya.  Sobrang busy niya kasi sa school kaya kokonti lang ang free time niya.

Madalas ay dito lang kami ni Alex kumakain ng dinner.  Having a drink hanggang sa malasing kami pareho.  He's the best drinking buddy.  Pareho kaming hindi agad tinatablan ng kalasingan.  Dito na rin siya natutulog minsan kaya sabay rin kaming magbreakfast.  He's the one who always prepare our breakfast, night person kasi ako kaya laging late na akong gumising.  Siya ang taga-gising ko kapag dito siya nagbebreakfast.

Gabi lang talaga kami nagkakasama ni Alex pero kahit madalas gabi lang ay sobrang nabago ang relationship namin ni Alex.  Hindi ko na nga naiisip na hindi naman totoo ang relationship namin. Girlfriend na girlfriend ang turing niya sa akin.  At syempre, boyfriend ang turing ko sa kanya.

Nang matapos akong maligo ay nakatapis akong lumabas ng banyo.  Naabutan ko pang may kausap si Alex sa phone.  Ngumiti siya sa akin nang mapansin ako.  Sumipol pa siya sa nakitang ayos ko.

"Tss!"  Nakangiti kong sabi at pumili na ako ng susuotin.  Isang short at loose blouse ang napili ko.  Pumasok ulit ako sa banyo para magbihis.

"Sino ang kausap mo kanina, Alex?"  Tanong ko nang makalabas ako ng banyo.  Umupo ako sa may harapan ng salamin at nag-ayos.

"Classmate.  Asking about our report."  Humiga siya sa kama at nakatutok lang ang mga mata sa kisame.

Napatango naman ako.  "Lapit na nga pala ng finals.  Sobrang busy niyo siguro.  Marami ba kayong paperworks?"

"Sinabi mo pa."  Napahinga siya ng sobrang haba.  "Pero kaya pa naman.  Ako pa!"

"Yabang!" Tukso ko sa kanya at naglagay ng lipstick.  Red.  He prefers me wearing pink lipstick pero gumagamit lang ako ng ganoong shade ng lipstick kapag napansin niya.  Kapag hindi, red.

InvisibleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora