INVISIBLE 7: (ALEX)

394 9 1
                                    

Nakangiti ako habang papunta sa tambayan nila Son ngayon. I better not think what I saw last Saturday. Baka nagkakamali lang ako ng nakita. Baka nagkamali lang ng tingin si Son. Masyadong magulo sa Bar kaya possible ‘yon. Ayokong mag-isip ng negative dahil makakasira lang ‘yon ng mood ko.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ko nang makita ko si Son na nakapikit habang nakasandal sa upuan. Bumubuka-buka pa ang bibig niya na parang sinasabayan ang tugtugin sa kanyang pinapakinggang kanta gamit ang earphone niya. Napakunot-noo lang ako nang mapansin ko ang isang itim na jacket na yakap-yakap ni Son. Parang hindi bagay ang jacket na yakap-yakap niya ngayon.

Umiling ako at tumabi kay Son sa upuan. Tiningnan ko siya. She looks innocent. She looks beautiful whatever she wears.

Nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya at nagmulat siya ng mata at napangiti nang makita ako. “Alex! Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin. Si Bea sa tabi niya ay hindi pa rin ako napapansin.

 

Ngumiti ako sa kanya. “Binibisita ka, Son.” Napaunot-noo naman siya kaya binawi ko agad ang sinabi ko. “Joke lang. May dinaanan lang ako malapit dito,” pagsisinungaling ko kahit sinadya ko naman talaga siya dito dahil sobra ko na siyang namimiss kahit hindi niya ako namimiss.

 

Napatango si Son. “Ah! Kamusta ka?”

 

 “Okay lang.” Kahit hindi dahil namimiss na kita ng sobra.

Ngumiti si on. “Namiss kita, Alex. Tagal din nating hindi nagkita eh.”

 Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. “Talaga, Son?” nakangiti kong tanong. Totoo ba talaga na namiss niya ako? Ang saya naman na malaman na namimiss ako ng taong mahal ko.

Tumango siya ng walang pag-aalinlangan. “Oo. Tsaka sila Ikey namimiss ko na rin.”

 

Nawala ang excitement at ang sayang nararamdaman ko. “Gano’n?” malungkot kong tanong. Akala ko naman namiss na niya ako kasi may special na siyang nararamdaman sa akin. Hindi pala.

“Oo,” nakangiti niyang sagot habang inaayos-ayos ang jacket na kaninang yakap-yakap niya.

“Sayo ‘yan?” tanong ko.

“Hindi. Kay Hubibi,” sabi niya habang hindi inaalis-alis ang pagkakatingin sa jacket na hawak niya.

“Hubibi?” gulat kong tanong. Ang alam ko tawagan yun ng babae sa boyfriend nila. Bakit naman may tatawaging Hubibi si Son?

“Ay!” natawa ng mahina si Son. “Oo,” nahihiya niyang sabi habang mahinang tinatampal-tampal ang bibig niya. 

“Sino ‘yon?” tanong ko ng walang kangiti-ngiti.

InvisibleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora