Invisible 18: ALEX

289 12 4
                                    

Tiningnan ko si Son na payapang natutulog. Nag-stop over muna kami para bumili ng makakain at makapagpahinga saglit sa pagmamaneho. Napangiti ako. I miss her. I'm trying myself to not talk to her, not to call her.

Inayos ko ang pagkakahilig ng ulo ni Son sa may window. Binaba ko rin nang konti ang upuan niya para hindi manakit ang leeg at hindi siya masyadong mangalay. Dapat ang boyfriend niya ang gumagawa nito pero asan siya? Nagpapakabusy sa buhay niya. Napatiim bagang ako.

"Baka matunaw 'yan, sige ka, lagot ka kay Mitch," sabi ni Ikey na lumipat ng pwesto, katabi nila Aina.

Ngumiti ako nang malungkot. "Kung ako ang boyfriend niya, sana hindi na niya kailangang maghintay ng text at call." Kinuha ko ang cellphone na hawak-hawak ni Son at inilagay sa bulsa ng shoulder bag na nakalagay sa lap nito.

"May Aina ka na, ano pa'ng pinagdadrama mo riyan?" tanong ni Ikey.

"Yea. I have," mahinang sabi ko at nilingon si Aina na payapang natutulog.

Alam kong naguguluhan sila kung ano ang meron sa amin ni Aina. I know, they knew that I don't love her, that I am using her for my own good but now, I can't think anything else. This is what Aina want, so I'm returning the favor to her.

"Pero i-let go mo na sa puso mo si Son dahil kahit walang sapat na oras si Mitch kay Son ay nakikita nating naiintindihan ni Son si Mitch." 

"I'm trying." Lumabas na ako ng kotse at nagsigarilyo sa labas. I'm fvcking trying.

Lumabas na rin si Ikey.

"Yosi?" alok ko. I need this para mawala kahit papaano ang paninikip ng dibdib ko dahil sa pinamukha sa akin ni Ikey. Hindi niya ako magagawang pagsabihan na mali ang ginagawa ko dahil mas masahol pa ang ginagawa niya sa mga babae niya. Ginagamit niya rin ang mga babae niya para hindi niya maramdaman ang lungkot.

"Na-uh! Makikipagdaldalan pa ako kay Son mamaya. Ayokong maamoy niya na amoy sigarilyo ang hininga ko," tanggi niya.

Napabuga ako ng hangin at tumimgin sa ground. "Sa palagay mo? Kung nagawa ko kayang magtapat kay Son, ano kaya ang meron kami ngayon?" Tiningnan ko si Ikey.

Nagkibit balikat lang siya. "I do not know, pwedeng ganyan pa rin. Pwedeng hindi. Si Son lang ang makakaalam. Alam naman natin na mahirap hulaan si Son sa sobrang pagka-slow. Pero sinasabi mo naman, 'di ba? Hindi nga lang direct kaya akala niya'y nagbibiro ka lang. Akala niya'y wala lang 'yon." 

"Gustong-gusto kong sabihing mahal ko siya sa tuwing nakikita ko siya. Gusto ko siyang yakapin at 'wag nang bitawan pa. Gusto ko siyang alagaan." 

"Sabihin mo. Ikaw naman ang bahala." Nag-unat siya at ngumisi. "Mabuti na lang hindi ko pa nararanasan 'yan." 

"Yea. Mabuti na lang at hindi mo pa ito mararanasan. Hindi ko ma-imagine kung paano mo 'to iha-handle."

Nang makarating kami sa resort na pag-aari ng pamilya ni Stephen ay hindi ko hiniwalayan si Son. Alam ko kasing nalulungkot siya ngayong wala si Mitch sa tabi niya. Napapabutong hininga na lang ako minsan. Kung ganito lang ang laging gagawin ni Mitch kay Son ay mabuti nang agawin ko si Son sa kanya. Hindi niya pinapahalagan ang taong pinaka-importante sa buhay ko. Binabalewala niya lang ang taong pinapangarap ko.

Paano ba niya nababalewa ang isang bagay na importante sa iba?

"Alex..."

Napatingin ako kay Aina. Dinaanan ko siya sa room niya nang maihatid ko si Son sa kwarto nito. Nakalimutan ko na siya dahil kay Son. Hindi ko na siya naasikaso. Pero kasama naman niya si Angel kaya siguro ayos lang sa kanya. Hindi naman niya sinubukang agawin ang atensyon ko na nakatuon lang kay Son. "Yes?"

Umiling siya at ngumiti sa akin. Lumapit siya, niyakap niya ako at inihilig ang ulo sa dibdib.

Napangiti ako. Naglalambing siya. She's still the sweet Aina that I used to know, before she broke my heart.

Hinaplos-haplos ko na lang ang tuwid niyang buhok. "May problema ba, Aina?"

Umiling siya. "Namimiss lang kita."

Hinawakan ko siya sa balikat at inilayo sa akin para makita ko ang mukha niya. "Magkasama naman tayo buong araw."

Ngumuti siya at niyakap niya ulit ako. Natigilan na lang ako nang marinig ko ang mahina niyang hikbi and her shoulder started to shake. "Aina..."

"Magkasama nga tayo buong araw pero... pero..."

"Why? May nagawa ba ako?" Nag-aalala kong tanong. Girlfriend ko siya at wala naman akong balak na lokohin siya. Sinusubukan kong ibalik ang naramdaman ko sa kanya noon, ang pagmamahal ko sa kanya noong bestfriend ko pa siya kahit ang hirap.

Kumalas siya nang yakap at pinunasan ang basa niyang pisngi sa pamamagitan ng sariling palad. Umiling siya. "Sorry. Ang arte ko. Ang arte ko lang talaga."

Napahinga ako nang malalim. Hinawakan ko ang mukha niya. "What's the problem?"

Malungkot siyang ngumiti at umiling. "Nagseselos lang ako. Sorry. Hindi dapat ako nagseselos pero hindi ko maiwasan." Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya at tumungo. "I'm sorry. But when she's around... when she's around..."

"Come here," mahina kong bulong sa kanya at niyakap siya. Hinalikan ko ang buhok niya.

"Sorry, Alex. Ang arte ko."

"Shhh... dapat ako itong humihingi ng paumanhin sa 'yo. Hindi ko magawang hindi ma-distract sa tuwing nasa paligid si Son. I'm sorry. But I'm trying... trying to unlove her. Just bear with me, okay?" Pakiramdam ko ay hindi lang si Aina ang niloloko ko kung hindi pati ang sarili ko.

Sinusubukan ko nga ba? Nakakalimutan ko nang iwasan si Son o gawing barkada lang ang trato sa tuwing masisilayan ko siya, nawawala na sa katinuan ang utak ko. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang laging nakangiti.

Tumango siya. At nakangiting tumingala sa akin. "I love you, Alex."

Nginitian ko siya. Kumalas na ako ng yakap at inayos ang buhok niya. "Matulog ka na at kailangan natin ng energy bukas."

Tinalikuran ko na siya.

Nang maglakad na ako palayo sa kwarto ni Aina at napabuga ako ng hangin. Bakit ang hirap ibalik? Hindi ba pwedeng instant babalik ang pagmamahal ko sa kanya?

Ang hirap. Sobrang hirap.

Kapag nasa paligid si Son, am trying my self to hide my true feelings especially when Mitch is around. When I'm with Aina, am trying myself to act as if I love her more than anyone else especially when her band mates are around. And I think, I failed in both sides.

They can still say that until now I love Son, that I'm just using Aina.

I know that I am using Aina. But ugh! I need Aina. I need Aina para hindi ko masyadong maramdaman ang sakit. I need Aina para makalimutan ko si Son pansamtala. I need Aina right now. I need her... but I don't fvcking love her. I just don't kahit ano'ng gawin ko. It's always Son. Always kahit may iba na siya, kahit may mahal itong iba, kahit mas masaya siya sa taong mahal niya.

Napahinto ako sa paglalakad at pinunasan ang luhang tumulo nang hindi ko namamalayan. Iniisip ko kung paano ang gagawin ko para hindi makaramdaman ng selos kapag dumating na si Mitch.

Well, mabuti na lang at kasama ko si Aina.

InvisibleWhere stories live. Discover now