Invisible 23: AINA

309 10 0
                                    

'I bet this time of night you're still up,
I bet you're tired from a long hard work,
I bet you're sitting in your chair by the window looking out at the city,
And I bet sometimes you wonder about me.'

Napatingin ako sa crowd. Mamimiss kong magperform sa harap nang maraming tao. Napatingin naman ako kay Leo, ang drummer ng banda. Bakit nga ba hindi ko magawang mahalin siya? Siguro dahil ginusto ng puso at utak ko na si Alex lang. Sinarado ko ang puso ko sa iba. Napatingin ako kay Drew na seryosong naggigitara at pagkaminsan ay nagsesecond voice sa akin. Si Edward naman ang pinasadahan ko ng tingin with his electric guitar. This cool and sweet guy. Mamimiss ko ang kakulitan nila. Mamimiss ko ang pagtrato nila sa aking lalaki.

Napangiti ako. Minsan ay nakakalimutan nila na babae ako. May mga pagkakataong kapag naghaharutan sila ay ako ang napapagitnaan. Sa tuwing may away ay ako pa rin ang nasa gitna.

'And I just wanna tell you,
It takes everything on me not to call you,
And I wish I coukd run to you,
And I hope you know that every time I don't,
I almost do,
I almost do.'

Alex. He must be in his pad, looking at his window, staring at the city lights. Maybe by now, napag-iisip niya ang mga nangyari sa amin. Kung bakit kami humatong sa ganito. Napakurap ako nang maramdaman kong may papatak na naman na luha sa mga mata ko.

"Let's end this," mahinang sabi ko habang nakayuko, hawak ang phone ko. Those words that I practised a hundredth times just to be sure that I won't stammer. May tumulong luha sa may blanket. Nakaupo ako sa hospital bed kung saan ako naka-confine. Isang linggo na rin akong nasa hospital. Isang linggo na ring hindi ko nakikita si Alex. Isang linggo nang puro si Leo ang nakikita ko, walang sawa sa pag-aalalaga sa akin. And he, Leo, already knew my condition. And his begging me to go to Canada, to do the operation eventhough he knows that it is risky to have that.

"Aina..." nabiglang sagot ni Alex sa kabilang linya. I am the one who called him first. Dahil alam kong hindi niya ako maalalang tawagan dahil si Son ang kasama niya, si Son ang inaalagaan niya.

Napangiti ako nang mapait, mahigpit ang hawak sa phone. "Well, napag-isipan ko lang... na..." pasimple akong huminga nang malalim, "napag-isipan ko lang na I don't really love you. I'm just in love with our past." Napakagat ako sa labi ko. Sinungaling. "I'm just in love with my bestfriend."

Hindi nagsasalita si Alex sa kabilang linya. Ang paghinga niya lang ang naririnig ko.

"I'm sorry," mahina kong sabi at pinunasan ang luhang walang tigil sa pagdaloy.

"Is it abou--"

"No," mabilis kong putol sa kanya. Ayokong marinig sa pangalawang pagkakataon na si Son ang kasama niya, na 'mas' kailangan siya ni Son. "It's not about what happened last week. I just realized it. I'm really sorry. I really thought that I--"

"Lier," putol ni Alex sa sinasabi ko. "I don't believe you. Please, tell me why? Please, tell me what's wrong."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Kapag sinabi ko ba ang totoo ay tatakbo siya papunta sa akin? Kapag sinabi ko bang mas kailangan ko siya ay magagawa niyang iwan si Son? Kapag sinabi ko ba na mamamatay na ako ay mas mamahalin niya ako kesa kay Son? Ayokong makipagkompitensya kay Son pero hindi ko maiwasan. Pero sa kompitensyang ako mismo ang gumagawa ay ako ang talo.

At alam ko naman ang sagot. Alam ko ang sagot sa mga tanong ko. At mas masakit kung maririnig ko iyon kay Alex.

"Hindi na kita mahal," mahina kong sabi. "Hindi na kita mahal. Hindi na kita mahal. Hindi na kita mahal!" May kalakasang sabi ko sa huling mga salita. Kung mawawala lang ang pagmamahal ko kay Alex sa pamamagitan ng pagsasabi nang maraming beses ng 'hindi na kita mahal' ay gagawin ko. Gagawin ko dahil sobrang pagod na pagod na ang puso ko. "At hindi mo ako mahal," bulong ko.

InvisibleWhere stories live. Discover now