Invisible: Epilogue

645 24 10
                                    

"Ano'ng ginagawa natin dito?" Kinakabahan kong tanong kay Leo. Kakarating lang namin sa Pilipinas at sa Hospital na agad kami dumiretso. Kanina pa siya tahimik at kahit na ano'ng tanong ko ay hindi niya sinasagot. Tahimik lang siya. Kinabahan na ako pagpasok pa lang namin dito.

Ngumiti siya sa akin at inalalayan akong maglakad. Tumigil kami sa may tapat ng isang room.

"Sino ang nandito?" Tanong ko ulit.

"I'm sorry, I wasn't able to tell you about him."

"Him?" Naguguluhan kong tanong. Ayokong mag-isip kung sino anh bibisitahin namin. Ayokong isipin na ang taong pinakamahalaga sa akin ang nandito pero damn! Hindi ko maiwasan.

Imbes na sumagot ay binuksan niya ang pinto. "Go and see him," mahinang tulak niya sa akin.

Naguguluhan na lang akong sumunod sa kanya. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang isang lalaking nakahiga sa may hospital bed.

Nang makalapit ako at nakita kung sino ang nakahiga ay pumatak ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya at nakaramdam ako ng mumunting kurot sa puso ko. Ang puso kong naka-survive sa operation. Ang puso kong patuloy na lumalaban dahil pinilit kong lumaban at bumalik sa kanya kahit walang kasiguraduhang may babalikan pa ako.

Tumingin ako kay Leo na nakatayo lang sa may tapat ng pintong nakabukas nang nagtatanong.

"Sorry," mahina niya lang na sabi at sinarado ang pinto.

Ibinalik ko ang paningin ko kay Alex, kay Alex na payapang natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya. "Alex..." niyakap ko siya. "Alex, what happened?"

Nagmulat si Alex ng mata pero blanko ang mga mata niya. Ni hindi siya nagsalita o kahit kumibot lang ang labi.

"Aina..."

Napalingon ang luhaan kong mga mata sa babaeng tumawag sa akin at nakita si Son na isang dipa ang layo sa akin. Umayos ako ng pagkakatayo at humarap sa kanya. Nakaramdam ako ng pamilyar na kirot sa dibdib. Makita lang siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kurot sa dibdib. Hanggang ngayon ay iyon ang nararamdaman ko sa kanya, kahit ilang taon na ang nakakalipas, kahit alam kong wala siyang kasalanan.

Pinunasan ko ang luha ko pero hindi ko siya binati o ang kahit ngumiti lang.

"I'm sorry," mahina niyang sabi at lumapit sa akin.

Napakunot-noo ako. Why? Siya na namam ba ang dahilan kung bakit andito sa hospital si Alex? Siya na naman ba? Hindi ko alam ang iisipin ko.

"I'm sorry," ulit niya sa paghingi ng tawad. Lumapit siya at niyakap ako. Napahawak ako sa braso niya. Gusto ko siyang itulak pero wala akong lakas para gawin iyon.

"This is all my fault. I'm sorry. I'm sorry for everything. I'm really sorry," umiiyak na paghingi niya ng tawad habang yakap-yakap ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya dahil sa labis na pag-iyak.

Hindi ako naawa sa kanya. Hindi ko magawang sabihing okay lang ang lahat dahil hindi ito okay lalo na at nakita ko sa ganitong kalagayan si Alex.

Kumalas siya ng yakap at pinunasan ang luha niya. "I'm sorry. I'm sorry, Aina. I was not on my right mind when I did that. I was so... I was so broken that I tried to kill myself. I didn't know that Alex followed me. I didn't know that... that... I'm sorry. I'm really sorry. God knows how sorry I am."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya lalo na at wala akong alam sa nangyari. Gusto kong magtanong pero hindi ko magawang magsalita.

"Aina..." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniiwas ko ito. Lalo siyang naiyak at napaluhod sa harap ko. Humagulhol siya ng iyak kasabay ng walang sawang paghingi niya ng tawad.

InvisibleWhere stories live. Discover now