Invisible 11: LEO

337 9 0
                                    

Napahigpit ang hawak ko sa baso nang umalis na sina Aina at Alex sa bar counter kung saan ako naruruon.

Boyfriend?  Paanong naging boyfriend niya agad si Alex?  Parang ang bilis naman 'ata.  The other day ay nakita ko pa siyang umiiyak sa labas ng room niya dahil sa gagong lalaking 'yon. Tapos ganito?

Napabuga ako ng hangin at inisang lagok ang shot na hawak ko. Sinalinan ko pa ulit ang shot glass at ininom ulit. Ramdam na ramdam ko ang init ng alak nang dumaan sa lalamunan ko pero ramdam na ramdam ko rin ang sakit sa dibdib ko. Ang kirot sa puso ko sa mga nasaksihan ko kanina.

Sh¡t!  Sh¡t!  Anong nangyayari?  Why all of a sudden Alex and Aina kissing in front of me?  At ipapakilalang boyfriend niya ito?  Fvck!  Are they fvcking kidding me?

Napasabunot ako sa buhok ko.  Hindi ko alam ang iisipin ko.  Nagseselos ako, oo pero si Aina, okay lang ba siya para tanggapin agad si Alex bilang boyfriend? Oo, mahal na mahal niya ito pero for fvcking sake! Alam ng lahat that Alex is not into her! Malabong sa loob lang ng isang araw ay nagising na lang si Alex na mahal na niya pala si Aina. Hindi nila ako maloloko.

"Fvck! Fvck!"

"Hey, Dude!"

Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin at umupo sa stool kung saan nakaupo kanina si Aina.  "Bakit andito ka?"

Ngumiti si Drew.  "Problema mo?"

Huminga muna ako ng malalim.  "Tell me, Drew, do you know that Aina and Alex are in a relationship?"

Hindi siya agad nakasagot.  "I didn't know. Alex didn't tell me anything and Aina didn’t say a word."

"Here."  I offer a shot for him.

"Thanks," he said.

"Aina left with Alex."  I said.  "Para akong natanga nang makita ko sila kanina.  Wala man lang nakaalam sa atin na sila na.  Akala ko ba hindi pinapansin ni Alex si Aina?  Anong nangyari?"

Hindi siya sumagot.  Siguro mahirap para sa kanya ang sumagot dahil kaibigan niya rin si Alex. O siguro clueless din siyang katulad ko.

Napahinga ako ng malalim at humarap kay Drew.  "Pwede bang kausapin mo si Alex?  Tanungin mo kung ano ang meron sa kanila ni Aina.  Kung talagang gusto niya si Aina."

Napangiti ng mapait si Drew.  Ininom niya ang shot na binigay ko sa kanya kanina.  Tumingin lang siya sa harapan niya.  "I don't think Alex will tell me what's with them."

"Can you at least try?"

Umiling siya.  "I don't want.  Alam mong hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga kaibigan ko, ninyo."

Napabuga ako ng hangin.  "Kahit kaibigan mo pa siya, hindi ko siya mapapatawad kapag pinaiyak niya si Aina.  Bawat luhang tutulo sa mga ni Aina ay dugo ang katumbas niyon."

Tiningnan lang ako ni Drew ng walang karea-reaction.  Napangiti na lang ako ng lihim sa inaasal ni Drew.  Hindi iisipin ng ibang tao na kaibigan namin siya dahil kahit sa ganitong situation ay wala pa rin siyang pakialam.  Ang hirap basahin ng taong ito.

--

Laging pumupunta tuwing gabi sa bar si Alex to be with Aina.  Minsan nakikisalamuha siya sa amin, nakikipag-inuman.  He's too clingy.  Lagi siyang nakaakbay kay Aina o kung hindi naman ay nakahawak sa kamay.  At sa tuwing nakikita ko silang magkadikit ay gusto kong itulak si Alex at ilayo kay Aina.  Gusto kong baliin ang kamay nitong nakahawak kay Aina.  Gusto kong paduguin ang nguso nitong humahalik kay Aina.

Fvck!  I'm fvcking jealous at hindi man lang iyon napapansin ni Aina.  Oh crap!  Kahit kailan naman ay walang pakialam si Aina sa nararamdaman ko.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon