INVISIBLE 5: (AINA)

401 13 1
                                    

“Okay ka lang, Aina?” tanong sa akin ni Edward.

Nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Tumango ako kay Edward. “Yeah, I’m fine.” Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. “I’ll just go to the toilet.”

“Okay. Bilisan mo lang at tutugtog na tayo,” sabi lang niya. Hindi na siya nag-abalang tumingin sa akin dahil abala siya sa kanyang gitara.

Kakalabas ko lang ng kwarto nang makasalabong ko si Leo.

“Oh, Aina ko, saan ka pupunta?” nakangiting bati niya sa akin.

“Go to the toilet,” I just said.

“Namumutla ka, you fine?”

Tumango ako. “I’m fine.”

“You sure?” pangungulit pa niya.

Napangiti ako. “Yeah. I’m sure.”

“Samahan na kaya kita? Parang any moment magcocollapse ka eh.”

Tiningnan ko si Leo. “I’m okay, so don’t worry, okay?”

Hindi nagsalita si Leo pero tiningnan niya ako ng matiim at dinama ang noo ko. Tinanggal ko naman agad iyon at nagsalita. “I just need to go to the toilet.”

“O-okay,” sang-ayon na lang niya.

Alam kong nagtataka siya dahil ngayon niya lang ako nakitang ganito. I am sick. For how many years? I do not know. Maybe when I was born I already have this sick. But I don’t give a damn. Basta ang alam ko, magaling na ako. I just need to drink my maintenance medicine, the word maintenance. Damn! I forgot it earlier.

Lumabas ako dahil pinadala ko na lang sa driver ko ang gamot ko. Nang makuha ko na iyon ay uminom ako agad kahit wala akong dalang bottled water.  Nagpahinga lang ako saglit sa kotse at pagkatapos ay lumabas na din agad. Baka hinahanap na nila ako. Ako pa naman ang vocalist ngayon.

Dumiretso ako sa may banyo para makapagretouch. Baka mukha na pala akong bangkay ngayon eh. Pumasok lang ako saglit sa isang cubicle dahil nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib. Kailan ba matatapos ito? Kapag namatay na ako? Napangiti ako ng mapait dahil sa naisip ko. Wala pa akong balak mamatay kaya konting tiis lang Aina.

Napapikit ako habang nakaupo sa may bowl habang nakasandal ang ulo ko sa may wall. Ang sakit ko ang dahilan kung bakit kailangan kong iwan si Alex. Hindi ko na nasabi sa kanya dahil wala nang pagkakataong makapagpaalam. I was comatose in one of the Hospital here in Philippines and I do not know, when I woke up, I am in Canada already. They transferred me here without even consulting me.

Paano nga naman sila makakapagpaalam sa akin gayong para akong buhay na patay na nakahiga lang sa kama na tanging mga apparatus lang sa Hospital ang bumubuhay sa akin.

InvisibleWhere stories live. Discover now