Invisible 16: AINA

285 9 2
                                    

"Can I sing 'never mind'? I asked the group.

Tiningnan nila ako ng makahulogan. "May pinaghuhugutan?" tanong ni Edward.

Sinimangutan ko siya. "Kailangan bang may paghugutan?"

Tumawa lang si Edward. "Guys, okay lang ba na 'never mind' ang kantahin niya? May playlist na ba tayo?"

Tiningnan ako ng seryoso ni Drew. Nginitian ko lang siya para hindi na siya mag-alala. He's turning between me and Alex, both friends of his.

"Alright. Pagbigyan ang broken hearted," sabi naman ni Leo.

Tiningnan ko siya at sinimangutan. "Am not."

Tinaasan niya lang ako ng kilay ay pinalo ang drum nang hawak niyang drumstick na nagpaingay sa studio.

Binawi ko na lang ang tingin sa kanya.

-

"Pupunta ba ang boyfriend mo ngayon? Ilang araw na rin siyang hindi pumunta," nakangiting tanong ni Leo kahit alam kong pilit lang 'yon.

Tiningnan ko siya nang mabuti. "Stop that smile."

Nawala naman agad ang ngiti sa labi niya. "Tinatanong lang naman kita. Napansin ko rin na hindi na siya madalas pumunta rito. Busy ba siya sa iba? Ohhh... I remember hindi rin siya pumunta noong sinugod kita sa Hospital. Narinig ko kay Drew na na-hospital din ang friend niya na si Son. Well she's in coma that's why he choose her over you."

"Stop, Leo. Please." Napapikit ako nang madiin dahil nakaramdam ako ng inis sa mga naririnig ko and at the same time ay nasasaktan ako. Parang isinisigaw iyon sa akin ni Leo kahit hindi malakas ang pagkakasabi noon.

"Why? Nasasaktan ka dahil totoo? Masakit ba? Ha? Masakit bang mas pinili niyang puntahan sa Hospital ang kaibigan kesa sa girlfriend?" He laugh sarcastically. "Girlfriend ka nga ba?"

"I said, stop!" Sigaw ko sa kanya. Ang kaninang luhang pinipigil ko ay malaya nang umaagos sa pisngi ko. "Oo masakit! Sobrang sakit na kahit ano'ng gawin ko ay hindi niya ako magawang piliin! Masakit na... masakit na... masakit na kahit ako itong girlfriend ay ako ang pinakahuli sa priority niya! Masakit! Sobrang sakit! Masaya ka na? Ha? Leo!" Marahas kong pinunasan ang luha ko at nagmamadaling naglakad papuntang pintuan.

Nang buksan ko ang pinto ay ang nagulat na mukha ni Drew ang nabungaran ko. "Aina, bakit ka umiiyak?"

Hindi ko siya sinagot, nilampasan ko lang siya.

-

"Aina, I'm sorry," mahinang sabi ni Leo nang nasa stage na kami para mag-perform.

Hindi ko siya sinagot.

"Aina." Hinawakan niya ako sa wrist.

"Let go of me," mahina kong sabi. Wala na akong lakas. Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko nang umuwi pero hindi maari dahil magpe-perform pa kami.

"Start na," mahinang sabi ni Edward kaya umalis na sa tabi ko si Leo para pumunta sa may drums.

 "Look at you

 Look at me

 Look at who we could be

 I wanna know who you are

 What you want from the stars"

Nakita ko si Alex na nasa bar counter. Kumaway siya nang bahagya at tinalikuran na ako. Nagpapakalango na naman siya sa alak.

I should be happy seeing him in here pero hindi naman ako ang ipinunta niya kung hindi ang alak. Para kahit papaano ay makalimutan niya si Son. Para hindi siya makaramdam ng sakit pansamantala.

InvisibleWhere stories live. Discover now