Invisible 10: AINA

296 9 4
                                    

Nakahiga kami ni Alex sa malaking kama sa kwarto ko.  Walang nagsasalita sa amin, pawang nakikiramdam kung sino ang unang babasag ng katahimikan.

Matapos naming kumain ay naisipan naming humiga sa kama at magkwentuhan hanggang sa maubusan na kami ng pwedeng pag-usapan.

Pakiramdam ko habang nag-uusap kami ay bumalik kami sa pagiging highschool. Bawat tawanan, asaran, katulad na katulad nang dati. Ang pinagkaiba lang ay lumala ang nararamdaman ko sa kanya, habang siya ay wala nang nararamdaman sa akin.

That was the sad part, the present. Maari bang mabago ang present? Sa pagpapanggap ko ba bilang si Son ay babalik ba ang nararamdaman sa akin ni Alex noong highschool pa lang kami? Maari kaya 'yon? Pwede ba akong umasang nababalik iyon? May pag-asa bang makita niya ako bilang si Aina Maria Ysabelle? Ang kanyang AMY?

Napabuntong hininga ako sa mga tanong na pilit nagsusumiksik sa utak ko. Isipin ko na lang na hindi ako nagpapanggap bilang si Son. Iisipin ko na lang na ako talaga itong gustong makasama ni Alex. Kakalimutan ko muna ang pangalang Son. Tama. Ganoon na lang.

"What's wrong?"

Napabangon ako at nakangiting umiling. Magagawa ko ba? Hay! Wala na akong tiwala sa sarili ko.

"Aina?" Naramdaman kong umupo siya sa kama.

Parang may kumuhit na kung ako sa puso ko tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko? Nilingon ko siya nang nakangiti. "Wala naman, Alex."

Napatingin siya sa akin, sa mga labi kong pinipilit ngumiti sa kanya.  Napalunok ako dahil sa paraan nang pagkakatitig niya. There’s something in his eyes that captivated me. "A-alex."

Umiwas siya ng tingin. Napahawak siya sa batok niya. Nakita kong nagtaas-baba ang adams apple niya, indikasyon na napalunok siya. Malakas siyang bumuga ng hangin at umalis sa kama. Humarap siya sa akin habang nakatingala ako sa kanya. Naghihintay sa sasabihin niya kung meron man. "Aina."

"Hmn?" Ang lakas nang tibok ng puso ko.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. He bites his lower lip. Napahawak naman ako sa magkabila niyang braso, hindi para pigilan siya sa gagawin kung hindi ay para may makapitan ako. Pakiramdam ko kasi ay mawawalan ako ng balanse sa pagkakaupo dahil sa paraan ng pagtitig niya.

Nang unti-onti niyang inilalapit ang mukha niya ay napapikit ako. Kahit saan pa mapunta ang pagpapanggap kong ito. Okay lang. Basta masaya siya. Masaya rin naman ako dahil sa pagpapanggap na ito ay nakikita niya ako. Nakakapag-usap kami, nagtatawanan. Hindi katulad dati na hindi niya ako pinapansin.

Ilang hibla na lang ang layo ng mukha namin ni Alex nang may kumatok ng sunod-sunod sa pinto ng kwarto. Napalayo si Alex at narinig ko siyang napatikhim. Napangiti ako. Magkatulad kaya kami ng nararamdaman ni Alex ngayon, parehong mabilis ang tibok ng puso?

"Ti-tingnan ko lang kung sino ang kumakatok." Hindi siya sumagot kaya tumayo na ako. Nang humakbang na ako papalayo ay nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat nang hawakan ni Alex ang braso ko at hilahin para makaharap sa kanya. Mas nabigla ako nang hawakan niya ang batok ko para mapalapit sa kanya at halikan ako ng mariin. His kisses. His damn kisses that makes me weak.

"Alex," bulong ko sa pangalan niya at tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko. I wrapped my arms around his neck. I kissed him back. Kasabay nang halik na 'yon ay ang katok na nanggagaling sa pinto ng kwarto ko.

--

Nakatingin ako ngayon sa natutulog na si Alex. Nakatagilid ako habang nakatakip ang kumot sa kahubadan naming dalawa. Yeah, we did it. At pumayag ako kahit nagpapanggap lang akong girlfriend niya, kahit para sa kanya ay ibang tao ako na kailangan punuin ang pangangailangan niya. Tanga na kung tanga pero kasi, kapag si Alex na ang pinag-uusapan, nakakalimutan ko na ang tama sa mali, nakakalimutan ko na ang nakakabuti sa sarili ko.

InvisibleWhere stories live. Discover now