Invisible 13: ALEX

250 8 2
                                    

Son is in coma. Kung pwede nga lang na sa Hospital na lang tumira para mabantayan ko siya 24 hours ay gagawin ko. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok dahil sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nabalitaan ko na nahospital din si Aina pero hindi ko siya pinuntahan. Mas kailangan ako ngayon ni Son. Wala pang kasiguraduhan kung kailan magigising si Son samantalang si Aina ay gising. Sabi rin ni Aina, okay na siya kaya wala nang dapat ipag-alala.

“Uh-oh! Hindi pa ba gumigising ang mahal nating prinsesa?” bungad ni Ikey nang makapasok kami sa kwarto ni Son sa Hospital. Sinadya naming sabay-sabay bumisita, nagbabakasakaling maingayan si Son at magising na.

“Baka kailangan ng mahiwagang halik galing sa mahal na prinsipe," pagbibiro ni Landon.

“Sino ba ang prinsipe ng mahal na prinsesa?” clueless na tanong naman ni Brayden.

Nagkibit-balikat si Landon. “Hindi ko alam. Baka si Alex.”

“Shut up!” suplado kong turan sa kanya at inambaan siyang babatukan na tinatawanan lang niya.

“Ang highblood mo na lagi, Lex. Nabasted ka na ba ni Son?” birong totoong sabi naman ni Ikey.

“Alam mo naman," walang kangiti-ngiting sagot ko.

“Oo nga pala.” Mapang-asar pang tumawa si Ikey at lumapit kay Son. "Mahal na prinsesa, mas gusto mo bang sa panaginip mo lang nakikita ang Hubibi mo este ang mahal na prinsipe? Gising gising din. 'Kaw rin, mauunahan ka,” sabi ni Ikey habang inaayos ang mga dala niyang fruits. Puro grapes at apple ang dala nila.

So he knows na may Hubibi na tinatawag si Son. I wonder if he knows who's that Hubibi.

“Ayaw mong gumising, mahal na Prinsesa? Pahingi naman nitong apple mo.” Akmang kukuha si Brayden ng apple pero tinapik siya ni Drew sa kamay.

“Mahiya ka nga. 'Di ka na nga nagdala tapos kukunin mo pa 'yan. Para 'yan kay Son.”

Natawa naman ako sa bangayan ng dalawa.

“Ang dami naman niyan. Hindi niya 'yan mauubos," pagdadahilan ni Brayden.

“Sus! Parang hindi mo pa kilala si Son. Para 'yang lalaki kung kumain,” sabi ni Nathan at umakbay sa akin. “Hindi mo lalapitan?”

Ngumiti ako sa kanya. “Later na. Ang dami pang taong nakaharang.”

“Bakit ngayon ka lang bumisita, Lex?” tanong ni Bea sa akin, bestfriend ni Son.

“Araw-araw akong nandito. Si Tita ang nagbabantay kapag pumupunta ako."

Napatango naman si Bea at napatingin sa pinto nang may kumatok. “Akala ko andito na kayong lahat? Sino pa ba ang pupunta?”

“Brayden, baka gusto mong buksan ang pinto?” sigaw ni Ikey.

“Who’s nearer?” tumingin si Brayden kay Tim.

“Psh.” Walang nagawa si Tim kung hindi buksan ang pinto.

“Hello?” bungad nang pinagbuksan ng pinto.

Hindi naman sumagot si Tim at binuksan na ng malaki ang pinto. Ang bumungad ay si Kaye.

“Dinala ko lang 'tong fruits for Son para kapag nagising siya'y may kakainin siya," ani ni Mitch at pinakita ang dalang prutas.

“Wow! Ang dami!” namamanghang sabi ni Brayden.

“Maka-react ka parang si Son. Nakakamiss na tuloy siya.” malungkot na sabi ni Ikey. Yeah. Nakakamiss na si Son. Napatingin ako kay Son na walang malay.

InvisibleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ