INVISIBLE 2: (ALEX)

750 12 2
                                    

Simula na iyon ng pagiging magkaibigan namin ni Son. Nakakatuwa dahil sa tuwing may kailangan siya ay ako agad ang kanyang naiisip na tawagan. Hindi ko naiisip na ginagamit niya lang ako, ang naiisip ko ay gusto ko siyang mapasaya kaya lahat ng favor niya ay ginagawa ko ng bukal sa puso ko.

Mahal ko siya, dahil hindi ko naman isasacrifise ang mga oras na dapat ay pumapasok ako sa School kung crush lang itong nararamdaman ko. Siya ang pinakapriority ko sa lahat ng bagay, siya ang inuuna ko kesa sa sarili ko dahil mahal ko siya.

Alam kong nagpapakatanga na naman ako sa isang babae pero hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko sa tuwing makikita kong ngumingiti siya nang dahil sa akin. Sobrang saya ko kapag sobra siyang nagpapasalamat sa mga pagkakataong tinutupad ko ang mga favors niya.

Siguro nga slow lang siya, ‘yan ang naiisip ko dati dahil hindi niya man lang napapansin ang pagiging extra kaibigan ko sa kanya, ang extra effort na binibigay ko para magawa lang ang mga favors niya.

Isang araw ay nagyaya akong lumabas kasama siya. Gusto ko siyang makasama mag-isa pero dahil wala akong kotse at that time kaya nanghiram lang ako kay Dave. Fortunately, nagyaya din pala siya sa bestfriend ni Son kaya ang date na balak ko ay naging double date.

"Bii, kasama pala kayo! Ang saya-saya naman." Nagtatalon sa tuwa si Son nang makitang kasama si Bea nang sunduin namin siya.

Napangiti naman si Bea dahil sa inasal ni Son. "Akala ko alam mo. Dito na tayo sa likod sumakay."

 Bigla naman akong napatingin kay Dave dahil sa sinabi ni Bea. Sana kumontra siya para ang katabi ko ay si Son.

"Ha? Eh?” Napaisip si Son sa sinabi ni Bea. “Do’n ka na sa tabi ni Dave." 

Napangiti ako sa sinabi ni Son. "Tama si Son, Bea, do’n ka na sa passenger seat, para katabi ko si Son,” sabi ko at tumawa para hindi masyadong halata na gusto kong makatabi si Son.

 "Oo nga, Bii. Do'n ka na," sabi pa ni Son na lalong nagpalapad ng pagkakangiti ko.

 Nang nasa Mall na kami ay nagsalita ako, “saan tayo?”

"Quantum na lang. Laro muna tayo," suggest ni Son.

 "Ikaw Bea? Saan mo gusto?" tanong ni Dave kay Bea.

 "Do’n na lang din.”

Kaya ang gusto ni Son ang pinuntahan muna namin. Napahiwalay kami sa dalawang nagliligawan dahil hindi naman pwedeng lagi kaming nakabuntot sa dalawa. Kailangan ko ring gumawa ng moves para mas mapansin pa ako lalo ni Son, hindi bilang kaibigan kung hindi bilang lalaki.

"Wah! Lapit na, Lex. Lapit na. Ayan. Ayan. Wah! Andaya bakit nalaglag!" sumisigaw na sabi ni Son nang malalag ang stuff toy na sinubukan kong kunin para sa kanya. Nakakatuwa talaga siya dahil hindi man lang nahiya sa mga taong tumitingin sa kanya dahil sumisigaw siya.

Natawa naman ako kay Son. “Ang hyper mo, Son. Makukuha ko rin ‘to para sa 'yo!"

Sumimangot siya. "Ang dami mo na kayang try pero 'di mo pa rin nakukuha."

Hindi ko naman mapigilang hindi tumawa dahil sa itsura niya. “Hindi kasi ako magaling dito. "

"Ako din eh, kaya nga sa ’yo ko pinalaro." 

"Oh sige sige. Try ko ulit," sabi ko at naghulog ulit ako ng token sa machine. Ayokong nang dahil sa machine na ito ay malungkot at madisappoint sa akin si Son.

Nakailang subok pa ako at sa wakas ay may nakuha din ako. Sh!t lang na larong ito! Pinahirapan ako.

 "Finally!” bulalas ako. “Oh.." Iniabot ko sa kanya ang pink stuff toy.

InvisibleWhere stories live. Discover now