Part 3 - Chapter 10

17 2 6
                                    

TUWANG-TUWA ang binata sa kanyang sinabi. Niyakap siya nito nang mahigpit. Pagkuwa'y siniil siya nito nang halik sa labi. Napapikit siya at napakapit sa batok nito. Unti-unting naging malalim ang mga halik nito. Sinuklian naman niya iyon nang buong puso.

Para siyang lumulutang sa ere habang naghihinang ang mga labi nila ni Gil at magkayakap nang mahigpit. Kaytagal niyang pinanabikang matikman muli ang mga halik nito. Sobrang na-miss niya ang mga labi nito.

Dahan-dahan siya nitong inihiga sa kanyang kama habang hindi pa rin nilulubayan ang kanyang mga labi. He started to undress her shirt. Then his lips went down to her neck. Napaliyad siya at mahinang napaungol...in so much pleasure. Parang nakukuryente ang bawat bahagi ng kanyang katawan na nadadaanan ng halik ni Gil. Masuyo nitong hinaplos ang kanyang mukha at isa-isang hinalikan nang buong pagmamahal ang kanyang noo, mga mata, ilong at magkabilang-pisngi bago muling inangkin ang kanyang mga labi as his expert right hand was gently caressing her left breast. Napaliyad na naman siya.

He pulled back for a few moment to undress his shirt bago bumalik sa kanya.

"I love you," bulong nito.

"I love you, Gil," paanas na wika niya.

Nag-uumapaw ang kaligayahang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Nahiling na lamang niya na sana hindi na iyon matapos. Sana tuloy-tuloy na ang magandang nangyayari sa pagitan nila. Sana wala nang hadlang pa sa pag-iibigan nila.

Hindi niya alam kung paano natanggal ni Gil ang kahuli-hulihang saplot niya sa katawan. Naramdaman na lamang niya ang unti-unting pagpasok nito sa kanya. She cried in so much joy and pleasure.

"Gil, I love you. I love you so much."

"I love you, too, my Angel. I'll never let you go ever again no matter what," sagot nito.

Ilang sandali pa'y dinala na siya ni Gil sa rurok ng kaligayahan.

"GOOD morning!" masayang bati sa kanya ni Gil kinabukasan nang magising siya. "Breakfast in bed," dagdag pa nito nang ilapag sa harap niya ang mini-table na may mga pagkain.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito. Kaya ko namang bumaba," sagot niya.

"Ano ka ba? Walang basagan ng trip," reklamo nito sa kanya. Natawa lang siya. Pagkuwa'y kinintalan siya nito ng halik sa labi. "Kain ka na."

Sinubuan pa siya nito. Naalala niya tuloy noong nagkasakit siya. Alagang-alaga rin siya nito.

"Thank you," wika niya rito.

Napahinto ito sa pagsubo sa kanya. "Para saan?"

"For everything. Sa pag-aalala mo sa akin...Sa pag-aalaga mo sa akin...Lalong-lalo na sa pagmamahal mo sa akin," seryosong sagot niya.

Inilapag nito ang kutsarang hawak at itinabi na ang maliit na mesa nang senyasan niya itong ayaw na niyang kumain.

"Alam mo namang lahat gagawin ko para sa iyo, hindi ba?" madamdaming pahayag nito.

Imbes na sumagot ay niyakap lang niya ito nang mahigpit.

"Kung makayakap ka naman, pakiramdam ko maghihiwalay na naman tayo," biro nito sa kanya.

Mabilis siyang kumalas. "Huwag ka ngang magbibiro nang ganyan!" saway pa niya rito.

"Uyy...Takot siyang mahiwalay sa akin..." nagawa pa nitong manukso sa kanya.

Napaismid siya. "Umalis ka na nga," taboy niya rito.

Natawa ito sa kanya. "Ikaw talaga, hindi ka pa rin nagbabago. Ang dali-dali mong mapikon...kaya nga ang sarap mong asarin, eh."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always You and IWhere stories live. Discover now