Part 3 - Chapter 2

9 0 0
                                    

"MA'AM," wika ng babaeng kasambahay ni Justin na halos kasing-edad lang niya, sabay lapag ng isang CD player sa study table na malapit sa kanyang kama. "Para daw po hindi kayo mabagot. May mga CD po dito na pwede n'yong pagpilian."

Lumapit siya upang makita ang mga dinala nito. Natigilan siya nang makita ang mukha ng nasa cover ng CD. "Gil..."

"Sabi po ni Sir idol n'yo raw po siya kaya pinakiusapan niya akong ipahiram ko raw muna sa inyo ang mga ito. Wala na po kasing stock sa market kaya hindi na siya nakabili."

Napatitig siya rito. Mukhang hindi siya nito nakikilala, kasi kung avid fan din ito ni Gil, malamang alam nitong may girlfriend na si Gil at siya iyon.

"Idol mo rin ba siya?" tanong niya rito.

Ngumiti ito at kinilig. "Hindi ko lang po siya idol, Ma'am. Sobrang adik po ako sa kanya noon. Sobrang gwapo niya kasi."

"Alam mo bang may girlfriend na siya?" mahinang tanong niya.

"Ah, opo. Ang swerte nga po niya kay Hillary..."

"Hillary?" ulit niya sa pangalang binanggit nito. Tama ba ang dinig niya? Bakit Hillary? Di ba Angel ang pangalan niya?

"Opo. Sobrang bait po ni Hillary at sobrang ganda pa. Kaibigan nga iyon ng kapatid ni Sir Justin-si Ma'am Danielle."

"Kapatid ni Justin? Danielle?" naguguluhang tanong niya.

"Bakit po Ma'am? Ilang taon na po ba kayong walang balita kay Gil?" nagtatakang tanong nito. "Mukhang hindi na kayo nakasunod sa kanya mula nang umalis siya sa Bravo at paiklian niya ang buhok niya."

"Ha? Umalis na siya sa Bravo? Pinaiklian na niya ang buhok niya? Kailan lang?"

"Matagal na po. Eight years ago umalis siya sa Bravo bilang teen idol. Sabi nila hinanap daw niya ang ex-girlfriend niyang kapangalan ninyo-si Angel. Bigla na lang kasi itong nawala na parang bula. Kawawa naman si Gil. Sobrang naapektuhan sa nangyari kaya siguro siya nagpasyang iwan ang pagiging teen idol niya."

"Teka, Lenny," awat niya rito na hindi na talaga nagugustuhan at naiintindihan ang mga sinasabi nito. "Sino bang Gil ang tinutukoy mo?"

"Si Gil Ofarim po! May iba pa po bang Gil na mahaba ang buhok at ubod ng gwapo na crush ng maraming kadalagahan noon at maging hanggang ngayon?"

Si Gilly Fish nga iyon. Pero bakit sa mga pinagsasabi nito parang ang dami namang nangyari sa loob ng isang linggong pagkawala niya? At bakit sinabi nitong walong taon na ang nakakaraan mula nang umalis si Gil sa Bravo? Di ba katatapos lang ng concert nito sa Pilipinas at may Europian concert tour pa ito?

"Lenny, naka-drugs ka ba?" hindi nakatiis na tanong niya.

Nanlaki naman ang mga mata nito at biglang namula sa galit.

"Hindi po ako drug addict! Ano po bang akala n'yo sa akin? Kay Gil lang ako adik pero kahit kailan hindi po ako gumamit ng kahit anong ipinagbabawal na gamot. Ni hindi nga po ako umiinom at naninigarilyo," puno ng sama ng loob na sagot nito na medyo lumakas ang boses.

Nataranta naman siya sa reaksyon nito. "I'm sorry, Lenny. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon," agad niyang hinging-paumanhin dito. "Eh kasi, parang sobrang layo na ng mga kinukwento mo, eh. Lenny, katatapos lang ng concert ni Gil dito sa Pilipinas at may Europian concert tour pa siya. Isa pa, isang linggo pa lang mula nang umalis ako ng Germany. Paano magiging miserable ang buhay niya gayong nakapagpaalam naman ako sa kanya na uuwi ako ng Pilipinas para dalawin ang mommy ko? Sanay din siyang hindi kami nagkikita nang ilang araw kapag sunod-sunod ang activities niya o kapag umuuwi ako sa amin."

Always You and IDove le storie prendono vita. Scoprilo ora