Part 2 - Chapter 1

9 0 0
                                    

One year later...

TAPOS na ang kanyang Asian tour. Tapos na rin ang kanilang Europian tour. Nakabalik na siya sa Munich. Pero wala pa ring Angel na nagpaparamdam sa kanya. Hindi na ito tumatawag sa kanya. Ni hindi na nga niya makontak ang cellphone number nito. Hindi rin nila makontak ang number ng mommy nito. Hindi pa niya alam kung ano ang address nito sa Pilipinas. Lagi na lamang siyang kinakabahan na baka may masamang nangyari dito. Pero imposible namang hindi sila tatawagan o pupuntahan man lang ng mommy nito.

Arrrrggggh!

Sumasakit na ang kanyang ulo. Para na siyang mababaliw sa kakaisip kung nasaan na ang kasintahan-kung natuloy ba ito sa pag-uwi sa Pilipinas o nasa Amerika pa rin ito-at kung ano na ang ginagawa nito. Hindi naman kasi nito ugaling umalis nang hindi nagpapaalam sa kanya. Mas lalong hindi nito ugaling patayin o hayaang ma-empty ang battery ng cellphone nito dahil alam nitong anumang oras ay tatawag siya o ang ina nito.

Para siyang sirang plaka sa kakatanong nang paulit-ulit sa mga kasambahay nila kung ano ang huling binilin ni Angel bago ito umalis. O kung may napansin silang kakaiba rito o kung anumang pwedeng dahilan kung bakit hindi na ito nagpaparamdam sa kanya. Paulit-ulit din ang sagot ng mga katulong. Kung ano ang huling sinabi ni Angel sa kanya noong huling pag-uusap nila, iyon lang din ang sinabi nito sa mga ito.

"Gil..."

Napalingon siya nang pumasok si Tal sa kanyang kwarto.

"Are you okay?"

Umiling siya. Sapo ng dalawang palad niya ang kanyang mukha. Tinapik-tapik ng kapatid ang kanyang likod.

"I have no idea where to look for her. I don't know what happened to her," sumbong niya rito.

"I'm sure she had her own good reasons. Don't worry, she'll be back in no time...just like she used to do."

"You think so?"

May point din naman si Tal. Lagi namang bumabalik si Angel kapag umaalis ito. Pero ngayon lang talaga siya nakadama ng labis na pangungulila at pag-aalala sa dalaga.

"Chill, bro! She'll be back soon. I'm sure she'll surprise us again," kumbinsi nito sa kanya kahit nakikita rin niya sa mga mata nito na pati ay hindi kumbinsido sa sinabi. Subalit napag-isip din niyang may punto ang kapatid niya. Tama. Mahilig manggulat si Angel. Siguradong may binabalak na naman ito. Bukas-makalawa, bigla na lang itong susulpot at sosorpresahin siya.

"I'll wait for her then," masiglang sagot niya. Napangiti naman ang kapatid.

"Ganyan nga. Don't give up on her," muli nitong tinapik ang kanyang balikat bago iniwan.

Pagkalabas ng kapatid, gumawa na naman siya ng kanta. Subalit imbes na masiglang kanta, isang sentimental song na naman ang kanyang nagawa. Doon niya ibinuhos ang kanyang kalungkutan at pangungulila rito.

I've been to many places,

Always searching for your love

Between those thousand faces,

It was you I was thinkin' of

Then I tried to see you again

Was too shy to talk you babe

But if I could have a second chance

I won't let you go

Everytime I think of you I hope it's not too late

Everytime I think of you I can hardly wait

Everytime I think of you I hope it's not too late

Always You and IWhere stories live. Discover now