Part 1 - Chapter 3

13 0 0
                                    

HABANG busy si Gil sa pictorial nito sa Bravo magazine, pinagkaabalahan na lamang ni Angel ang mamasyal sa mga kamag-anak ng daddy niya na nasa kabilang bahagi ng Munich. Minsan isinasama niya si Tal. Minsan naman sila lang ng mommy niya. Madalas kasi nasa studio rin si Tal, sinasamahan ang kapatid nito. Minsan din pumupunta siya roon. Ang Uncle Abi naman niya ay busy sa mga gig nito. Tanging mga katulong na kamakailan lang din niya napansing nag-e-exist pala sa bahay na iyon ang naiiwan sa bahay kapag lahat sila ay umaalis. Ang mga ito ang naglilinis ng bahay, nagluluto ng pagkain at nag-aalaga sa mga aso nila.

Madaling lumipas ang mga araw. Nagkaroon ng emergency sa bahay nila sa Pilipinas kaya kinailangang umuwi ng kanyang ina. Gusto sana siya nitong isama pauwi ngunit hiniling niyang manatili muna siya. Nangako naman ang kanyang Uncle Abi na hindi siya pababayaan hangga't nasa poder siya nito. Tumulong na rin sina Tal at Gil sa pagkumbinsi rito. Sa huli ay pumayag ang kanyang mommy.

Dahil wala na roon ang ina, siya na ang pumalit sa kwartong tinutulugan nito upang makabalik na si Gil sa dating kwarto nito. Alam kasi niyang nami-miss na nito ang sariling higaan at ang lahat ng mga gamit nito. Pero hindi rin niya naiiwasang tumambay doon dahil nasanay na siyang maupo sa kama nito kahit walang ginagawa. Hindi naman ito nagreklamo kaya malaya siyang nakalalabas-masok doon.

"Wow! Gilly Fish, sikat na sikat ka na ngayon sa buong Munich. Ang dami mo nang fans," puri niya kay Gil nang pumasok siya sa kwarto nito. Kasalukuyan itong nagbabasa ng mga sulat mula sa mga fans nito. "Gusto mo tulungan kitang magbasa ng mga fan mails mo?"

"Gusto mo palabasin kita rito?" tanong naman nito na tila nairita sa presensya niya.

Nainis siya. Subalit sa kabilang banda, natuwa rin siya. Mukhang matalino nga ito at mabilis itong matuto. Mag-iisang linggo pa lang simula nang bigyan niya ito ng English-Filipino dictionary at turuan kung paano magsalita ng Filipino pero mukhang ang dami na nitong alam. See? Marunong na agad itong magsalita ng Filipino language. Habang siya ay nagdurugo pa rin ang ilong sa tuwing nag-aaral siya ng German language.

"What?" untag nito sa kanya nang mapansin nitong nakatitig siya rito nang matagal.

"Naa-amazed lang ako sa iyo. Mukhang kailangan ko nang bantayan ang mga sinasabi ko kasi nakakaintindi ka na ng lengwahe namin."

"Yeah, right. You should be careful with your words," anito na ibinalik ang atensyon pagbabasa ng mga fanmail.

Maya-maya'y nag-ring ang kanyang cellphone. Ang mommy niya ang tumatawag.

"Mom! Kumusta na si Lola?" sabik na tanong niya rito.

"Wala na ang lola mo," umiiyak na sagot nito sa kabilang linya.

"Po?"

Kusang tumulo ang luha mula kanyang mga mata. Hindi na niya nagawang magpaalam sa kanyang ina sa telepono. Dahan-dahang bumaba ang kanyang kamay mula sa kanyang tenga at lumapag ang cellphone niya sa kama.

Napatigil si Gil sa ginagawa nang marinig ang hikbi niya. "Angel, are you okay?" tanong nito sa kanya.

"Wala na ang lola ko. Patay na siya," tulalang sumbong niya rito habang malayang umaagos ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

Niyakap siya nito nang mahigpit. Lalo siyang humagulgol habang nakayakap dito. For the first time, noon lang niya naramdaman ang senseridad nito. Nakadama siya ng kapayapaan habang nakakulong sa mga bisig nito. Pagkuwa'y marahan itong kumalas sa kanya at pinahiran ng mga hinalalaki nito ang mga luha niya.

"Tahan na. Huwag ka nang umiyak," masuyong wika nito sa kanya. Napatitig siya sa mukha nito at muling napayakap.

Dahil sa nangyari, kinailangan niyang bumalik ng Pilipinas. Nagpaalam siya nang maayos sa kanyang Uncle Abi, kay Tal at pati na kay Gil.

Always You and IWhere stories live. Discover now