Part 3 - Chapter 8

6 0 0
                                    

INIHATID silang dalawa ni Justin sa airport nina Gil, Hillary, Tal, Tito Abi niya at ni Oswin.

"Be careful, okay?" wika ni Abi sa kanya.

"Kayo rin po, Tito," sagot niya at mahigpit itong niyakap.

Isa-isa din niyang niyakap sina Oswin, Tal at Hillary.

"Thank you so much."

Huling lumapit sa kanya si Gil. Nangingilid ang mga luha nito habang nakatitig sa kanya.

"Babalik ka pa naman, hindi ba?" tanong nito.

"Dadalaw na lang siguro ako sa inyo paminsan-minsan," nahihirapang sagot niya.

"Ingat ka," anito at mahigpit siyang niyakap. Napahigpit din ang yakap niya sa binata. Pakiramdam niya'y iyon na ang huling beses na mayayakap nila ang isa't isa nang ganoon kahigpit. Iyon na rin ang naging selyo na tapos na nga sila at pinapalaya na nila ang isa't isa. "Hihintayin kita," pabulong na wika nito sa kanya.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi dahil alam niyang imposible nang mangyari iyon.

Marahan itong kumalas sa kanya. Si Justin naman ang binalingan nito.

"Pare, ikaw na'ng bahala sa kanya."

"Huwag kang mag-alala, pare. Hindi ko siya pababayaan," pangako ni Justin.

Tuluyan na nga silang nagpaalam sa mga ito. Walang lingon-likod siyang pumasok sa loob. Nang makasakay na sila ng eroplano, doon na siya umiyak nang umiyak.

Paalam, mahal ko. Siguro nga'y hindi talaga tayo para sa isa't isa.

Hindi na siya inawat ni Justin. Hinayaan lang siya nitong ilabas ang lahat ng luha niya.

Mukhang napagod na siya sa kaiiyak kaya nakatulog siya sa balikat ni Justin. Paggising niya'y nakalapag na pala ang eroplano sa NAIA. Marahan siyang ginising ng binata at sabay na silang bumaba.

"Best!" masayang sigaw ni Leah na nag-aabang sa kanya sa labas ng airport kasama ni Danielle at iba pang angels.

Masayang nagyakapan ang dalawa.

"Asan na ang pasalubong namin?" tanong ni Hazel.

"Ito talaga, pasalubong agad ang inatupag," saway naman ni Olive dito.

Isinakay na nila ang kanilang bagahe sa kotse ni Leah at dumiretso sa bahay ni Justin.

Habang nag-aagawan ang kasamahan niya sa dala niyang souvenir items mula sa Acht, minabuti na muna niyang magpahinga sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang dala niyang laptop at isa-isang tiningnan ang mga litratong na-save niya roon habang sinasariwa ang masasayang karanasan niya sa Germany.

"Best, okay ka lang?" tanong ng kapapasok lang na si Leah.

Umiling siya. "Hindi ko pala kaya, Best. Hindi ko kayang malayo sa kanya. Kanina nga sa airport, parang ayoko nang bumitiw sa kanya. Ayoko nang mahiwalay ulit sa kanya. Hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay nang wala siya," lumuluhang sabi niya.

Hinaplos nito ang kanyang likod. "Some people are just meant to be together. And some are not. Maging masaya na lang tayo para sa kanya...para sa kanila ni Hillary."

Hindi na siya sumagot.

Kinabukasan, nagkaroon sila ng pagtitipon upang pagbunutan ang mga dala niya since hindi lahat ay mabibigyan ng mga iyon. Kailangan din niyang magkwento ng mga karanasan niya with Acht at kung anu-ano pa. Para siyang nasa off-the-record prescon nang araw na iyon.

Always You and IWhere stories live. Discover now