Part 1 - Chapter 4

10 0 0
                                    

"I'M sure they'll be very surprised," wika ng kanyang Tito Abi nang sunduin siya nito sa airport nang mag-isa. Binilinan na niya itong huwag ipaalam sa dalawa nitong anak ang pagbabalik niya dahil gusto niyang sorpresahin ang mga ito.

"Are they home yet?" tanong naman niya.

"Nope. Gil's having a pictorial with Tal today. We'll be heading directly to the studio."

"Really, Uncle? So Tal is also now part of Bravo Magazine?" namamanghang tanong niya.

Isinakay nito ang kanyang mga bagahe sa likod ng kotse. Naupo na siya sa passenger's seat. Ilang sandali pa'y pumwesto na rin si Abi sa driver's seat at minaneho na ang kotse nito.

"Yup. And they're signing a recording contract soon," pagmamalaki nito sa mga anak.

"Wow! That's huge!"

"I know. Until now, I still can't believe their fortune."

"It's a blessing, Uncle."

"Yeah, right."

Ilang minuto pa'y narating na nila ang building ng Bravo. Hindi na siya sinamahan ni Abi sa loob. He just dropped her off at dumiretso na ito sa bahay. Okay lang din sa kanya dahil kabisado na niya ang daan papuntang studio kung saan madalas ginagawa ang pictorials ni Gil.

Paliko na siya sa kanan nang biglang hinarangan siya ng gwardiya.

"Miss, Außenstehende hier nicht erlaubt (Miss, outsiders are not allowed here)," wika nito.

"Ich bin Gil und Tal 's Freund (I'm Gil and Tal 's friend)," sagot niya in German. Akala mo hindi ako marunong mag-German, ha? Kahit papaano'y may alam din naman siya. Kaso nga, konti lang.

Magsasalita pa sana ito nang bigla siyang makita ni Tal.

"Angel!" masayang sigaw nito at lumapit sa kanya.

"Hey, Tal!" bati niya sa kaibigan sabay yakap dito.

"I'm glad you're back. I'm sure Gil will be surprised," wika nito nang kumalas sila sa isa't isa. Binalingan nito ang guard. "Es ist okay. Sie ist unser Freund (It is okay. She is our friend)," at dinala na siya nito sa loob.

Shocked siya nang makitang naked shot ang ginagawa ni Gil at tanging gitara lang ang pantakip nito sa maselang bahagi ng katawan nito. Magkahalong hiya, kaba, sabik at ewan ang naramdaman niya. My gosh, Gilly Fish! Bakit ka pumapayag na pagpiyestahan nila ang katawan mo?

"Okay, Gil! That's it for today," wika ng photographer.

Tumayo na si Gil para magbihis nang mapatingin ito sa kanya. Bigla itong namula-sa hiya o sa pagka-surprised, hindi niya alam. Basta nag-blushed ito. Lihim naman siyang natawa. Lumabas na muna sila ni Tal at doon na ito hinintay.

"Angel, anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya nang makalabas ito.

Wow! Diretso nang mag-Tagalog ang crush ko.

"Crush?" tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. Teka, edit, edit.

Wow! Diretso nang mag-Tagalog si Gilly Fish.

"Hoy, Angel! Bakit natulala ka diyan?" untag sa kanya ni Tal. Pati ito ay mahusay na rin. Para na silang mga mestisong Pinoy.

"Sorry. May bigla lang sumagi sa isip ko," aniya. Balik sa kasalukuyan ang utak niya. "Your dad dropped me off here," sagot niya sa tanong ni Gil habang naglalakad palabas ng building.

"I mean, anong ginagawa mo rito sa Germany? Summer vacation is almost over," pagkaklaro nito.

"Dito ako mag-aaral," walang kagatol-gatol na sagot niya.

Always You and IWhere stories live. Discover now