Part 3 - Chapter 9

7 0 0
                                    

Munich, Germany...

HINDI pa man tuluyang nakakapasok si Angel kasama si Justin ay isang matalim na titig ni Gil na ang sumalubong sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Gil kay Justin nang makitang kasama niya ito nang dumating siya sa bahay ng pamilya nito-na ayon kay Tito Abi niya ay bahay niya na rin.

"Gil, please calm down," awat niya sa binata. "Dinala ko siya rito para magkausap kayo nang maayos."

"What else is there to talk about? Malinaw na sa akin ang lahat. Ginagago lang tayo ng lalaking iyan. Simula't sapul pa lang wala na akong tiwala sa iyo, eh. Balak mo pa talagang ilihim ang lahat at bumalik sa Pilipinas na parang walang nangyari. At ano? Magpapatuloy kami ni Hillary at ipapaangkin mo sa akin ang bata tapos pakakasalan mo si Angel para everybody happy?"

"Gil, that's enough!" aniya na medyo tumaas na ang boses. Hindi na niya kaya ang pang-iinsulto nito kay Justin. Oo nga't may kasalanan ang huli, pero hindi naman niya hahayaang insultuhin ito nang ganoon ni Gil. Isa pa, hindi iyon ang pagkakakilala niya sa dati niyang nobyo. Noon lang niya ito nakitang ganoon kagalit.

"Pare, alam kong galit ka sa akin..."

"Huwag mo akong tawaging 'pare' dahil hindi mo ako kaibigan," mariing pagtatama ni Gil.

"Gil, makinig ka muna kay Justin."

"Bakit mo ba palaging ipinagtatanggol ang lalaking ito?" galit na tanong ni Gil sa kanya. "Ay nakalimutan ko pala! He saved your life. Malamang sa kanya ka kakampi kasi malaki ang utang na loob mo sa kanya. His wish is your command. Ganoon iyon, hindi ba?" sarkastikong wika nito. "O baka naman..."

Isang sampal ang pinadapo niya sa kaliwang pisngi nito. "Hindi ako kasing dumi ng isip mo."

Ngumisi lang ang binata imbes na matauhan. Hinimas-himas pa nito ang namumulang pisngi. "Bakit? Mas masarap ba siyang..."

"Tumigil ka na! Huwag mong idadamay si Angel sa galit mo sa akin," galit na ring wika ni Justin.

Ito naman ang binalingan ni Gil at walang anu-ano'y sinuntok. Nang hindi na ito makatiis, gumanti na ito ng suntok sa ex niya. Hanggang sa magbugbugan na nga ang dalawa sa harapan niya.

"Ano ba? Tumigil na kayo," aniya sa mga ito ngunit hindi ito nakinig sa kanya.

Umabot ang dalawa sa labas ng bahay malapit sa garden. Tinangka niyang awatin ang dalawang binata subalit naitaboy siya ng kamay ni Gil. Sa lakas ng pagkakataboy nito, tumilapon siya at tumama ang ulo niya sa isang bato.

"Angel!" sigaw ni Martha.

Automatikong natigilan ang dalawang binata at napalingon sa kanya. Parehong itong nagimbal nang makitang duguan siya. Agad sumaklolo sa kanya si Gil.

"Angel! Angel, I'm sorry..."

Hinaplos niya ang mukha nito na unti-unting naglalaho sa paningin niya.

"WHAT?!"

Halos mabingi si Gil sa lakas ng boses ng amang labis na nagulat nang tawagan niya ito at sabihin ang tungkol sa nangyari kay Angel. Kararating lang nito sa bahay nila habang sila ni Justin ay nasa ospital at naghihintay na lumabas na ang doktor na tumitingin kay Angel.

"Dad, I'm sorry. I didn't mean it. Hindi ko sinadyang mapalakas ang pagtataboy ko sa kanya at mabagok ang ulo niya sa bato."

"Pray that she'll be alright because I will disown you as my child if something happens to her," iyon lang at pinatay na nito ang linya.

Always You and INơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ