Part 2 - Chapter 7

10 0 0
                                    

"GIL, is this the key you were looking for last time?" tanong ni Amanda sabay pakita ng susing hawak.

Nagkatinginan sila ni Tal.

"May I see?" tanong niya rito. Inabot ng katulong ang susi sa kanya. Agad niya itong nakilala. "Yes, this is it," wika niya. Napatingin muli sa kanya si Tal. Tumingin siya sa kanyang ama na noo'y nagpatuloy lamang sa pagkain. Wala itong reaksyon. Pagkuwa'y huminga siya nang malalim. "Just keep it, Amanda," aniya sabay balik sa susi kay Amanda, "in case the owner will be needing it some day."

Napangiti si Tal nang magtama ang kanilang paningin. Napangiti rin siya.

"Okay," sagot ng maid at iniwan na sila.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na sila sa kanilang ama para pumunta sa recording studio.

"Sir, we have a new set of songs. We're ready for our next album," bungad niya nang dumating ang kanilang producer.

"I'm sorry but we don't need rock songs this time," tanggi nito sa kanya.

"But sir..."

"You and your band have been great but I already have other projects to produce now. I can't insert yours. I'm sorry," anito bago sila iniwan. "Okay, let's start now!" utos nito sa mga staff.

Matamlay silang umalis ni Tal sa lugar na iyon.

"Gil, it's okay. Let's find another recording company," tapik ni Tal sa kanyang balikat.

Tumango lang siya. Isa-isa nilang pinuntahan ang mga recording companies sa buong Munich ngunit katulad ng nauna, tinanggihan din sila ng mga ito.

"Well, I guess we'll have a longer break," pabirong sabi niya kay Tal.

Pauwi na sila nang tumawag si Dominik.

"Gil, I need to tell you something," bungad nito.

"Me, too," sagot naman niya.

"Let's meet at Verhauz."

Kumanan sila at bumalik sa kanilang dinaanan para puntahan si Dominik. Andoon din si Roland pagdating nila.

"What's up?" tanong niya.

"We're moving to Austria. I can't stay with the band anymore," sagot ni Dom.

"Oh! Okay...? And Roland?"

"I'm going to college in Stanford," sagot naman nito.

"Wow! Standford, huh? Congrats, dude!" bati ni Tal sa kabanda.

Malungkot man siya, mas pinili na lamang niyang maging masaya para sa mga ito.

"Well I guess it won't matter anymore if I tell you they rejected our music."

Natigilan ang mga ito at nagkatitigan.

"Don't give me that look. You're scaring me," biro niya sa mga ito, ngunit hindi sila natawa. Bagkus ay seryoso ang mga hitsura nito. "Well, that's life. Besides, it won't make sense now that you're going somewhere."

Magsasalita pa sana ang mga ito ngunit pinigilan na niya sila. Um-order na lamang sila ng maiinom at nagpasyang mag-inuman bilang despedida party para sa dalawa.

Makalipas ang isang oras, naghiwa-hiwalay na sila ng mga landas. Wala siyang imik habang nagmamaneho ng kotse at binabaybay ang daan pauwi.

"You okay?" tanong ni Tal sa kanya.

"No," sagot naman niya na halata naman sa kanyang hitsura. Magkahalong panghihinayang, kalungkutan at disappointment ang kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon. That was his first time na tanggihan ng mga recording companies.

Always You and IМесто, где живут истории. Откройте их для себя