Part 3 - Chapter 3

5 0 0
                                    

One week later...

"BUKAS iyan."

Dahan-dahang pumasok si Angel sa silid ni Justin. Naplingon ito at halatang nagulat nang makita siya.

"Angel, ikaw pala!"

"Pwede ba kitang makausap?" malumanay na tanong niya.

"Oo naman. Upo ka," maagap na sagot nito. Inalok pa siya nito ng silya ngunit tumanggi siya.

"Gusto ko lang kasing humingi ng paumanhin sa mga inasal ko noong nakaraang linggo. Alam ko sobrang kawalang-utang na loob ang ginawa ko sa iyo. Pasensya ka na. Sobrang sama lang talaga ng loob ko nang araw na iyon kaya nasampal kita at napagsalitaan pa ng masasakit na salita," nahihiyang wika niya.

"Wala iyon. Naiintindihan ko naman, eh. Hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon," nakakaunawang sagot nito.

"Maraming salamat sa kabaitan mo sa akin," nakangiting dagdag pa niya.

"Ano ka ba? Huwag mo nang intindihin iyon. Okay na. Ang importante nakikita kong ngumingiti ka na ulit," tila nahihiya pang wika nito.

"Halika na sa baba. Nagluto ako ng tinolang manok. Kain na tayo," masayang yaya niya rito.

"Talaga? Ikaw ang nagluto?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yup. Halika na," sagot niya sabay hila sa kamay nito.

Tapos nang maihanda ni Lenny ang lahat kaya dumulog na sila sa mesa. Pinasabay na rin nila si Lenny sa pagkain.

"Hi, kuya!" sabay silang napalingon ni Justin at Lenny nang marinig ang isang boses ng babae.

"Danielle! Kelan ka pa dumating?" tumayo si Justin at masayang sinalubong ang bagong dating na hula niya'y ang sinasabi ni Lenny na kapatid ng binata.

Humalik ito sa pisngi ni Justin. "Kagabi lang," sagot nito "Hi, Lenny!" bati nito kay Lenny.

Tumayo rin si Lenny. "Hi, Ma'am Danielle! Halina po kayo. Kukuha lang po ako ng isang plato," wika nito bago pumunta sa kusina. Pagbalik nito'y may dala na itong plato at mga kubyertos.

"Upo ka," yaya ni Justin rito. Naupo ito sa tabi ni Lenny na katapat niya.

"By the way, this is Angel," pakilala nito sa kanya.

"Hi!" bati niya rito.

"Hi!" ganting bati nito sa kanya bago muling binalingan ang kapatid nito. "So, is she...?"

"She's my friend," maagap na sagot ng binata bago pa matapos ni Danielle ang itatanong nito na parang alam na rin niya kung ano iyon.

"Okay," anito.

Nagsimula na silang kumain.

"Wow! Hindi ko alam na masarap ka palang magluto ng tinolang manok, Lenny. Ngayon ko lang natikman ito sa iyo, ah," bulalas

"Si Ma'am Angel po ang nagluto niyan," nahihiyang sagot ni Lenny.

"Ow? Oh, well. Not bad," anito na parang biglang nawalan ng gana.

Hindi niya gusto ang pakiramdam habang kumakain. Naiinsecure siya sa mga titig ni Danielle na parang kinakaliskisan siya nang buhay. Ramdam niya ang pagkadisgusto nito sa kanya. Marahil ay iniisip nito na may namamagitan sa kanila ni Justin at hindi siya nito gusto para sa kapatid nito.

Always You and IWhere stories live. Discover now