Part 2 - Chapter 2

8 0 0
                                    

NASA gitna siya ng kanyang autograph signing nang bigla siyang makaramdam ng pananakit ng kanyang tiyan. Sa una'y ininda lang niya iyon at nagpatuloy sa ginagawa. Subalit habang tumatagal, lalo lamang sumakit ang kanyang tiyan hanggang sa hindi na nga niya ito makayanan.

"Gil, are you okay?" nag-aalalang tanong ng kanyang ama nang mapansing nag-iba na ang kanyang hitsura. Namumutla na siya.

"Dad..." nanghihinang sambit niya sa pangalan nito.

"I'm sorry, but he needs to rest now," wika ni Abi sa kanyang mga fans.

Agad na umalalay sa kanya ang dalawang body guard upang dalhin siya sa kotse pero bigla na lamang siyang nanghina at nawalan ng malay.

He woke up in a hospital. Mukha ni Tal ang nabungaran niya pagdilat ng kanyang mga mata.

"The doctor said you had food poisoning. Ano bang huling kinain mo?" wika nito na may konting paninisi sa kanya.

"Our lunch?"

"Are you doing it on purpose? Sa tingin mo matutuwa si Angel kapag nalaman niya ang ginagawa mo sa sarili mo? Pinaparusahan mo ang sarili mo kahit wala ka namang kasalanan," tila galit na tanong ng kapatid.

"Kasalanan ko ba kung sobrang hectic ng schedule ko at kahit pagkain ay hindi ko na halos maisingit? Ni hindi na nga ako nakakatulog nang maayos," sagot niya na tumaas ang boses. "Wala na nga akong time para hanapin siya." Pumiyok ang kanyang boses sa huling sinabi. Biglang sumikip ang kanyang dibdib.

"I told you she'll be back!" ani Tal na tumaas na rin ang boses.

"When? Sinabi ba niya sa iyo kung bakit siya umalis at kung kailan siya babalik? Nagkausap ba kayo bago siya nawala? If she wanted to come back, she should have been here already. And she didn't even care to contact us just once. It's been two years," napuno ng hinanakit at sama ng loob na sabi niya.

Bago pa man nakapagsalita si Tal, bumukas na ang pinto at pumasok ang kanilang ama.

"Tal, Gil needs to rest. Please stop arguing with him," marahang wika nito.

"I want to go home," deklara niya.

"You need to stay here. The doctor still needs to observe you," sagot ng ama.

"No, Dad. I want to go home immediately. I need some rest, right? Then I want to rest at home," nagsusumamong wika niya rito.

Kahit tutol ang mga ito sa desisyon niya, wala na silang nagawa. Kinabukasan din ay pinayagan siyang lumabas pero patuloy pa ring inoobserbahan ng mga doktor na pumupunta sa kanila.

Oo nga't nakapagpahinga siya sa bahay nila dahil wala nang fans at bodyguards na umaaligid at laging nasa tabi niya subalit ang puso't isipan naman niya ay hindi makapagpahinga sa tuwing naaalala si Angel. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay nakikita niya ang dalaga. Nakikita niya itong nakaupo sa kanyang kama katabi niya at kinukulit siya habang may ginagawa siyang kanta. Kahit saan naririnig niya ang tinig nito na naiinis sa kanya, pinagtatawanan siya at minsan naman ay umiiyak.

Nyahaha! Gilly Fish, ang pangit mo talaga rito!

Gilly Fish, para kanino na naman itong kantang ginawa mo?

I love you, Gilly Fish. Miss na miss na kita.

"Ahhhh!" sigaw niya habang sapo ang kanyang ulo. Pinagtatapon niya ang kanyang mga gamit.

Always You and IΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα