Part 2 - Chapter 8

7 0 0
                                    

"ANG ganda niya, ano?"

Kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Angel. "Sino?" tanong niya.

"Iyong bride," napalingon siya sa direksyong tinitingnan nito. Nakita niya ang bride na bumababa ng bridal car at papasok na sa simbahan. "Ang ganda-ganda ng gown niya. Siguro ang saya-saya niya ngayon kasi sa wakas makakasama na niya habang-buhay ang lalaking pinakamamahal niya."

"Alam mo, ikaw, nagse-senti ka na naman," bara niya rito. "Tayo na nga. Hinahanap na tayo ni Daddy," naiinip na yaya niya rito. Pasado alas kwatro na kasi at kailangan niyang makabalik bago mag-alas singko para sa autograph signing niya.

"Basta ako kahit hindi ganyan ka-bongga ang gown ko, makasama ko lang ang lalaking pinakamamahal ko, masaya na ako."

Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya inasahang maririnig iyon mula sa nobya. Napangiti siya.

"Don't worry, mas maganda pa diyan ang gown mo kapag ikinasal tayo," sagot niya.

Ito naman ang natigilan at napatingin sa kanya. Pagkuwa'y tumaas ang kaliwang kilay nito. "Ikaw?" parang hindi naniniwalang tanong nito.

"Bakit sino bang gusto mong maikasal sa iyo?" kunot-noong tanong niya.

"Sa lalaking mahal ko," nakangiting sagot nito sabay kuha sa kanyang kamay at magka-holding hands sila habang naglalakad papunta sa hintuan ng mga taxi.

"O-M-G! Gil!!!"

Nanlalaki at hindi makapaniwalang sigaw ni Leah nang makita siya sa reception ng kasal nito. Dali-dali itong lumapit sa kanya at, as his loyal fan as always, mahigpit siya nitong niyakap.

"Oh, baka magselos sa akin ang asawa mo. Isipin pang kabit mo ako," biro niya rito.

Kumalas ito at hinampas ang balikat niya. "Pupunta ka rin pala, hindi ka man lang nagpasabi. Sana pinasundo kita sa mga kapatid ko sa airport."

"Para pagpiyestahan ako ng mga tao?"

"Kaya ganyan ka na lang kung maka-disguise? No offense pero hampangit mo na!"

"Pinapunta mo lang ba ako rito para laitin?"

"Hindi, 'no!" nakangiting sagot nito. "Siyempre special guest kita ngayong araw."

Napangiti siya. "Congrats!"

"Thanks."

"By the way, you look so beautiful today."

"Ay sus! Binola mo pa ako. Salamat. Halika na nga," anito at umangkla sa braso niya. Iginiya siya nito sa table kung saan naroon ang buong pamilya nito. "Nay, naalala n'yo po si Gil?" tanong nito sa ina nang ipakilala siya nito sa kanila.

"Gil? Ikaw na ba iyan?" tanong ng ina ni Leah na halos hindi nakilala sa bago niyang hitsura. Napatayo pa ito upang suriin siya. "Sobrang laki ng ipinagbago mo, hijo."

"Hello, Tita!" aniya sabay halik sa pisngi nito.

Maya-maya'y lumapit ang asawa ni Leah. Ipinakilala naman siya nito sa asawa. Pagkuwa'y pumuwesto na ang dalawa sa mesang nasa harapan na para sa bagong kasal. Habang nagsasalita ang host, hindi naman siya pinabayaan ng mga kamag-anak ni Leah na panay ang pakikipagkwentuhan sa kanya. Masaya siya dahil hindi iba ang pagtrato ng mga ito sa kanya kahit minsan lang niyang nakasalamuha ang iilan sa kanila. Hindi rin naging big deal kung isa siyang sikat na singer at idol siya ni Leah. Parang nasa bahay lang siya nila at parang sina Tal, Oswin at grupo ni Lauro lang ang mga kausap niya.

Always You and IWhere stories live. Discover now