Part 1 - Chapter 9

11 0 0
                                    

"HOOOOYYY!" napakalakas na sigaw niya sa boyfriend niya nang makita itong umakyat at kasalukuyang nakakapit sa isang poste.

"Hi, Gel!" nakangiti pang bati nito.

"Magpapakamatay ka ba?"

"Hindi."
"Eh, bakit ka umakyat diyan?"

"Wala lang. Gusto ko lang dito sa taas."

"Naka-drugs ka ba? Bumaba ka nga riyan."

"Ayoko ko. Mamaya na. Gusto ko pa rito, eh."

"May lahi ka yatang unggoy, eh."

"Bakit ikaw, hindi? Lahat naman ng tao nagmula sa unggoy, ah."

"Ang kulit mo talaga. Bumaba ka na diyan sabi, eh. Tatawag ako ng pulis. Sige ka."

"Mamaya na sabi, eh."

"Isa...Dalawa..."
"Bahala ka."

"Bahala pala, ha?" naiinis nang wika niya. Maya-maya'y lalo pa siyang nagsisisigaw.

"Pulis! Pulis! Tulungan n'yo ako. Magnanakaw! May magnanakaw dito. Umakyat ng

poste. Saklolo!"

"Hoy! Anong magnanakaw? Hindi ako magnanakaw! Hoy!"

Hindi niya ito pinakinggan. Patuloy pa rin siya sa pagsigaw.

"Tulong! Tu-"

BLAG!

"Gil! Gil, anong nangyari sa iyo?" Natatarantang nilapitan niya ito.

"Lumipad! Obvious ba? Nahulog ako. Aray," pilosopong sagot nito na nagreeklamo sa sakit ng katawan.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

"Nahulog ako sa poste tapos itatanong mo kung okay lang ako? Ikaw, okay ka lang?"

"Eh, kasalanan mo rin naman!" inis na binatukan niya ito sabay tayo. Pagkuwa'y bumalik din para alalayan ito subalit na-out of balance ito kaya pareho silang natumba sa ground. Mabuti na lang at sa dibdib ni Gil nag-landing ang ulo niya kundi bukol ang inabot niya.

"Aray! Mas lalo yata akong nabalian ng buto," reklamo nito habang nakayakap sa kanya.

"Naku, sorry!"

Akmang aalis na siya sa ibabaw nito pero mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.

"Dito ka lang," malambing na utos nito.

"Baka may makakita sa atin dito. Pagpiyestahan pa tayo," nag-aalalang wika niya kahit nakayakap sa binata. Baka lang kasi biglang sumulpot ang mga fans nito o ilang paparazzi.

Marahan itong kumalas sa kanya. Umalis na siya sa ibabaw nito. Paika-ika itong tumayo kasunod niya. Inalalayan niya ulit ito. "Huwag mo nang uulitin iyon, ha? Paano kung nabalian ka?"

"Oo na," anito at umakbay sa kanya.

Hindi pa man sila nakakarating sa bahay nila, may isang babae na kasing edad lang dila ang lumapit sa kanila.

"Hi, Gil! Can I have an autograph?" anito sabay abot ng notebook at colored pen.

Kumalas si Gil sa kanya. "Sure," tinanggap iyon ng binata, mabilis na pinirmahan at ibinalik sa may-ari.

"Thanks," masayang wika nito sabay halik sa pisngi ng kanyang nobyo.

Tumikhim siya.

"Oh?" tila nahihiyang sabi ng babae na parang noon lang siya nito napansin. "I-is she your girlfriend?" tanong naman nito kay Gil.

Napatingin sa kanya si Gil kasabay ang pag-angat ng kanang bahagi ng bibig. Sinalubong niya ang titig nito ng naniningkit niyang mga mata. Tuluyan na itong napangiti at bumaling sa babae.

Always You and IWhere stories live. Discover now