Part 1 - Chapter 7

8 0 0
                                    

"ANGEL!" narinig niyang tawag ni Tal sa kanyang pangalan. Dumating na pala ang mga ito. Itinigil niya ang ginagawa at lumabas ng kanyang kwarto. Sabik siyang bumaba.

"Hi, guys!" masayang bati niya kahit nasa hagdanan pa lang siya. Nang tuluyan na siyang makababa, she kissed her Uncle Abi on the cheek. "Hi, Uncle."

"Hi, Angel! How are you doing here? Were you lonely?"

"No, not really. Besides, Oswin came to see me sometimes and I had guitar lessons with him," sagot niya.

"That's good to hear," anito bago nagpaalam na papasok na sa kwarto nito.

Si Tal naman ang kanyang binalingan. "So, how's the concert?" tanong niya rito na hindi niya pinapansin si Gil.

"It was great!" masayang sagot ni Tal.

"I'm going to my room now," matamlay na paalam ni Gil sa kanila.

"What happened to him?" nagtatakang tanong niya kahit medyo alam na niya ang sagot.

"Selos lang iyan," nakangiting sagot ni Tal. "Lagi na kasi kayong nagkakasama ni Oswin."

"Eh, torpe naman kasi iyang kapatid mo."

Natawa lang si Tal.

Sabay silang umakyat sa taas. Sumama siya kay Tal sa kwarto nito at doon sila nagkwentuhan. Pagkatapos noon, naisip niyang puntahan si Gil sa kwarto nito para kumustahin. Dumaan muna siya sa kanyang silid at kinuha ang notebook na sinulatan niya ng kantang ginawa niya bago kumatok sa pintuan nito.

"Come in," narinig niyang sabi nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para pumasok.

"Heto oh," aniya sabay abot ng kanyang notebook.

Tiningnan nito iyon. "Ano iyan? Magpapa-autograph ka?" kunot-noong tanong nito.

"Hindi, no? Feeler," inis na sagot niya. "Ito iyong kantang ginawa ko . Kanina ko pa iyan natapos."

"Ganoon ba? Iwanan mo na lang diyan. Mamaya ko na iyan titingnan," malamig na sagot nito.

"Gilly Fish naman, eh. Peace na tayo," parang batang hiling niya rito.

"Sino ba sa atin ang galit at unang nang-deadma?" sumbat nito sa kanya.

"Eh, sino ba sa atin ang biglang nangha...halik nang walang paalam?" sumbat din niya rito na biglang hininaan ang boses dahil baka may makarinig sa kanya.

"Para namang hindi ka nahalikan ng boyfriend mo noon sa Pilipinas."

"Wala akong boyfriend sa Pilipinas. Isa pa, ibahin mo ang kultura naming mga Pilipino. Hindi kami basta-basta nagpapahalik kahit pa sa boyfriend namin. Tini-treasure namin ang first kiss namin."

"So, that was your first kiss?" tanong nito at ngumiti nang nakakaloko.

Natutop niya ang kanyang bibig. Naloko na! Bakit ba kasi ang daldal niya? Binigyan tuloy niya ng pagkakataon si Gil na tuksuhin na naman siya.

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Bigla siyang naalarma. Biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Gusto niyang umatras pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Nagmistulan siyang isang tuod sa kanyang kinatatayuan. Tumitig ito sa kanya at matamang pinagmasdan ang kanyang mukha. Maya-maya'y naramdaman niya ang kamay nito sa kanang kamay niya. Tila may maliliit na boltahe na kuryente ang biglang nanulay mula sa kamay nito papunta sa buo niyang katawan.

"Akina. Tingnan natin ang isinulat mo kung maganda ba," wika nito at kinuha ang notebook sa kanyang kamay. Tumalikod na ito at kinuha ang isa sa labintatlong gitara nito. Naupo ito sa kama at inilapag sa tabi nito ang kanyang notebook.

Always You and IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora