Part 2 - Chapter 9

8 0 0
                                    

"ARE you sure? I've only sang two German songs," tanong niya kay Ossi nang magsuhestiyon itong German songs ang kantahin niya.

"That's not a problem. You're German, right?" confident na sagot nito.

Kahit ganoon pa kalaki ang bilib nito sa kanya, nag-aalangan pa rin siya sa ideyang German songs ang kakantahin niya. Maliban sa hindi siya sanay, hindi rin niya sigurado kung magugustuhan ba ito ng mga taong makakarinig nito.

Gayunpaman, sinubukan pa rin niya. Nagsimula silang mag-compose ng ilang German songs. Masaya ang mukha ni Ossi nang palihim niya itong sulyapan. Malamang inspired ang kaibigan niya.

Stell dir vor, daß nichts ist wie es bleibt

(Imagine that nothing is as it remains)

Stell dir vor, daß alles bunter ist als du es treibst.

(Imagine that everything is more colorful than you drift)

Stell dir vor, daß wir alles sind und nichts brauchen

(Imagine that we have everything and need nothing)

Stell dir vor, daß uns egal ist ob kluge Köpfe rauchen.

(Imagine that we do not care if smoking masterminds. )

"Nice song, huh?" ani Oswin matapos niyang kantahin ang una nilang ginawa.

"Sounds good, but I kinda..."

"Oh, come on! You'll get used to it later. Trust me."

"Really?" Talaga lang, ha?

Hindi niya alam kung ano ang binabalak ni Oswin pero mukhang desidido itong ipakanta sa kanya ang mga German songs na isinulat nila. Dahil wala naman siyang ginagawa maliban sa pagiging part-time model niya sa mga collections ni Hillary, doon na siya sa shop ni Oswin nagtatambay. Minsan din ay pumupunta siya sa bahay nito upang dalawin ang mga anak nito.

"Hi, Uncle! You're gonna teach me how to play guitar again today?" tanong ng limang taong gulang na panganay ni Oswin na si Kristoff.

"How do you know?"

"Because you're bringing your guitar."

"Very genius, kiddo!" natutuwang sagot niya rito. "Now, get your guitar and we'll play together."

Agad tumakbo ang bata sa kwarto nito.

"Hey, Arthur!" bati niya sa tatlong taong bunso ng kaibigan niya na kasalukuyang nagbabasa ng libro.

Itiniklop nito ang librong binabasa. Lumapit ito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "Hey, Uncle Gil!"

"What are you reading about?"

"Julius Caesar."

"Seriously?" taas-kilay na tanong niya. Tiningnan niya ang cover ng libro upang siguraduhing tama ang narinig niya. Namangha siya nang mapatunayang Julius Caesar by William Shakespeare ang binabasa nito. "Wow!"

"Pretty cool, huh?" wika ni Oswin nang bumaba ito.

Napalingon siya rito. Halatang bagong-ligo dahil tumutulo pa ang muntik patak ng tubig mula mga buhok nito.

"I guess he wants to be a writer someday."

"A novel writer perhaps," sagot nito.

Natawa siya nang mahina.

Maya-maya'y dumating na si Kristoff dala ang gitara nito. "Uncle, come on!"

"Only fifteen minutes," wika ni Oswin sa anak. "Your uncle and I will have some important things to do."

Always You and IWhere stories live. Discover now