Part 1 - Chapter 8

10 0 0
                                    


"ANGEL, can I talk to you?" tanong ng kanyang Tito Abi habang nagaganap ang autograph signing ni Gil.

"Yes, Uncle. What is it about?" aniya.

"I hope you won't get me wrong on this," tila nahihirapang simula nito. "Please don't do that again...the one you did three hours ago. I don't want anything bad happen to the three of you."

Napayuko siya. "I'm sorry, Uncle. It won't happen again," nagsisising sagot niya rito.

"Thanks," anito at niyakap siya. "I just don't want you to get harmed."

"Sorry, I didn't realize what I've done. Buti na lang po hindi kami pinagalitan ng management," wika niya nang kumalas dito.

"Ako na ang kumausap sa kanila."

"Thank you po, Uncle. At sorry po ulit."

Ngumiti lang ito at tinapik ang kanyang balikat. Bumalik sila sa panonood kay Gil habang pinipirmahan ang mga CDs nito.

May biglang sumagi sa isip niya. Nagpaalam siya sa kanyang Uncle at pumunta sa table na nagbebenta ng CD ni Gil. Bumili siya ng isa. Pagkuwa'y pumila kasama ng ilang fans nito. Excited siya habang papalapit na siya sa nobyo.

Inabot na niya ang nabiling CD. Imbes na ballpen o pentel pen, lipstick ang inabot niyang panulat dito. Napaangat ang mukha nito at ganoon na lang ang pagkagulat nang makita siya.

Abot tenga naman ang ngiti niya na kulang na lang ay matawa sa reaksyon nito.

Kinuha nito ang lipstick at ipinahid sa mga labi nito. Pagkuwa'y hinalikan ang CD bago pinirmahan saka inabot sa kanya pati na ang lipstick.

Sobrang saya naman niya sa ginawa nito at halos maglupasay siya sa sobrang kilig.

Shocks, Gilly Fish! Ngayon ko lang naintindihan ang feelings ng mga fans mo.

"Oh, saan ka galing?" tanong ni Tal. Nakabalik na pala ang apat mula sa kung saang pinuntahan ng mga ito.

"Nagpa-autograph," sagot niya at ipinakita ang CDng bitbit niya.

"Hindi rin kayo mga OA, ano? May pa-autograph-autograph ka pang nalalaman para lang makalapit kay Gil. Asus!" reklamo ni Lauro. Kumunot ang kanyang noo. Sa dami ng Tagalog sentences na natutunan nito, ang mga hindi maganda pa ang sinabi sa kanya.

"Eh, ano namang paki mo?" pagtataray niya at inirapan ito.

Malalim na ang gabi nang matapos ang autograph signing ni Gil. Agad silang dumiretso sa hotel na tinutuluyan nilang lahat para kumain at magpahinga.

Dahil hindi pa naman curfew at walang nagbabantay sa kanila, pinuntahan niya muna sina Gil at Tal, na nasa iisang kwarto lang.

"Yuck, koto!" biro niya at umarteng nandidiri nang pagpasok niya'y makita niya si Gil na kinakamot ang ulo at ginugulo ang sariling buhok. Nakaupo ito sa kama at kaharap ang notebook at papel. Nasa gilid naman ang gitara nito.

"Koto ka diyan," reklamo nito na napahinto sa ginagawa. "Kung magkakoto man ako, alam ko na kung kanino galing iyon."

"Hoy! Anong akala mo sa akin? Kotonin?"

"Sinabi ko bang ikaw? Bakit, guilty ka?"

"Kakainis ka talaga," reklamo niya sabay hampas nang paulit-ulit sa binata.

Always You and IWhere stories live. Discover now