Part 2 - Chapter 5

7 0 0
                                    

"IS she new here?" tanong niya kay Oswin pero nasa babaeng nakaupo sa di-kalayuang bench at parang nagsusulat sa notebook nito ang tingin niya.

Napatingin naman si Oswin sa direksyong tinitingnan niya.

"Hillary? No, she's not. She's been here for more than twenty years just like we do."

"Parang ngayon ko lang kasi siya nakita rito."

"Eh, wala ka naman kasing ibang nakikita kundi ang Angel mo."

Sabay silang natawa. For the first time, hindi na kumikirot ang puso niya nang marinig ang pangalan ng dating kasintahan. Ibig bang sabihin nito naka-move on na siya?

"Are you interested in her?" tanong ni Oswin kapagkuwan.

"Oh, shut up, Ossi!" tila nahihiyang wika niya rito.

"Why? What's wrong with that?" natatawang tanong nito. "Here's a trivia: She's your avid fan," pabulong na wika nito sa kanya.

"How did you know?"

Kumislap ang mga mata nito. "The way she looked at you just now."

Tumaas ang kanyang kilay. Muli siyang napalingon sa babae. Nahuli niya itong umiwas nang tingin sa kanya. Natawa siya. Tama nga si Oswin.

"See?"

Mula noo'y hindi na niya naalis ang tingin kay Hillary...not even in his thoughts. Hanggang sa makauwi na siya ng bahay.

"You look so happy. Did something happen?" puna ni Tal pagdating niya.

"Nothing," sagot niya rito. Itinali na niya ang mga aso sa kanya-kanyang pwesto nito at pumasok na sa loob.

"Oh, come on! I know that smile. You met someone, didn't you?" hindi kumbinsidong tanong ulit nito na sumunod sa kanya.

"I met Ossi on the road and we had a little chat. That's all."

"I don't believe you."

"Then don't," kibit-balikat niya sabay ngiti. Umakyat na siya sa kanyang kwarto.

Nakahiga siya at nakaunan sa dalawang palad habang nakatingin sa kisame. Napapangiti pa rin siya sa tuwing naaalala ang hitsura ni Hillary na nahihiyang umiwas ng tingin sa kanya nang mapatingin siya rito. Maya-maya pa'y nagpasya siyang maligo na at magbihis. Bumaba na siya at naunang mag-almusal.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ng kanyang ama nang magmadali siyang tapusin ang kanyang pagkain.

"Just want to visit Ossi's store and see if he has a new guitar."

"Okay. Take care," bilin ng ama bago siya umalis.

Hindi niya ginamit ang kanyang kotse. Nagpasya siyang maglakad na lamang. It's been a long time na rin mula nang huling beses na maglakad siya sa kalsada ng Munich. That was almost seven years ago-kung kailan siya nadiskubre ni Greg sa subway station. Mula noon, hindi na siya makalabas nang walang body guard na nagbabantay at walang fans na humaharang sa dinadaanan niya.

He was enjoying the view. Ninanamnam ng kanyang mga mata ang malaking pagbabago sa buong lugar. Ang laki na pala ng ipinagbago nito. Hindi man lang niya napansin na matagal na palang nakatayo sa gilid ng paborito nilang bakeshop ang isang lodging house.

Dahil nasa paligid ang atensyon niya, hindi niya nakita ang kasalubong niya kaya nagkabungguan sila nito.

"Oh, tut mir so leid (Oh, I'm so sorry)," hinging paumanhin niya sabay pulot ng mga nalaglag na mga gamit nito. Subalit natigilan siya nang pag-abot niya ng mga ito sa may-ari, mukha ni Hillary ang tumambad sa kanya. "It's you."

Always You and IWhere stories live. Discover now