Part 2 - Chapter 4

10 0 0
                                    

MASAKIT ang ulo nang bumangon siya kinabukasan. Isang tawag ang gumising sa kanya.

"Hallo..." mahinang wika niya habang himas-himas ang sariling batok.

"Gil, si Leah 'to," wika ng nasa kabilang linya.

"Yes, Leah. Thank you. Buti naman naalala mo. Sorry but I need to go back to sleep. I got really..."

"Hindi ako tumawag para...well, happy birthday nga pala, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako tumawag."

"Gaano ba kaimportante iyan at after three silent years, napatawag ka?"

"Andito kami ngayon sa Amerika. Natagpuan na namin si Tita Martha."

Sumikdo ang kanyang puso. Biglang lumipad ang lahat ng sakit niya sa katawan at awtomatikong napatayo siya sa kanyang higaan.

"How is she?"

"Gil, she's sick. Andito kami sa mental hospital ngayon sa Colorado."

"Ka...sama ba niya..."

"Hindi niya kasama si Angel. Hanggang ngayo'y wala pa rin kaming balita tungkol sa kanya."

"Okay, wait for me. I'll be there as soon as possible, okay?"

Pagkatapos nilang mag-usap ni Leah, agad niyang pinuntahan ang kanyang ama upang ipaalam ang nangyari at magpaalam dito na pupunta siya ng Amerika. Ngunit hindi ito pumayag sa gusto niya.

"You should not leave your band here. You have your schedules. You can't cancel those," wika nito.

"But dad..."

"I'll go."

"Gil, Dad is right. We've just started our band. We can't back out now and cancel all our concerts. Besides, Dad will be going there. Aunt Martha will be alright."

Gusto pa sana niyang magprotesta ngunit hindi na siya makahirit. Napilitan siyang manatili sa Germany at sundin ang kanilang schedules habang hinhintay na makabalik ang kanyang ama na may dalang balita tungkol sa kanyang Aunt Martha-tungkol kay Angel.


"SHE'S dead."

Iyon ang balitang bumungad sa kanila ni Tal nang umuwi sila pagkatapos ng huling concert tour nila sa Berlin. Kapwa sila natigilan. Walang nakapagsalita.

"Your Aunt Martha passed away just as I arrived there," malungkot na pahayag ng kanilang ama.

"What about Angel?" kinakabahang tanong niya.

"Leah told me that the nurse told them that Martha kept weeping all day and all night mentioning her name. I think she was also looking for her but didn't find her," sagot nito.

"Oh, God!" nanlulumong bulalas niya.

Matamlay siyang pumunta sa kanyang kwarto. Napadaan na naman siya sa dating kwarto ni Angel. Pumasok siya roon. Muli niyang pinagmasdan ang mga nakadikit na larawan sa dingding nito.

"Gilly Fish! Ano na namang ginagawa mo rito? Di ba sinabi ko kumatok ka muna bago ka pumasok?" gulat na tanong ni Angel nang bigla siyang pumasok sa kwarto nito.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong niya.

"Wala. Basta. Lumabas ka na," sagot nito na pilit siyang pinagtatabuyan.

"Ano ba kasi ang mga iyan? Bakit ayaw mong ipakita sa akin?"

"Ipapakita ko naman sa iyo pero saka na kapag tapos na ako."

Always You and IWhere stories live. Discover now