Part 2 - Chapter 6

8 0 0
                                    

PAGKATAPOS ng kanilang concert, nagpa-autograph ang kanyang mga fans sa backstage kung saan naroon din si Hillary kasama ang kapatid nitong si Kristina.

"Hi!" bati niya.

"Hi!" nahihiyang bati rin nito sa kanya. Iniabot nito ang CD sa kanya.

Pinirmahan niya iyon at may inilagay pang secret note, "Wait for me outside," bago ibinigay rito, "Thanks for coming."

Pasado alas onse na ng gabi nang magpasya na silang umuwi kahit hindi pa niya tapos ma-entertain ang mga nagpapa-autograph sa kanila lalo na sa kanya. Hinanap niya si Hillary sa labas. Laking tuwa naman niya nang makita itong nakatayo malapit sa isang poste.

"Gil, you're not coming with us?" tanong ni Tal sa kanya bago pa makasakay sa kotse ni Dominik.

"You, guys, just go ahead. I'll follow," sagot niya.

Tal looked over his shoulder at nakita rin nito si Hillary. Napangiti ito. "Good luck!" wika lang nito bago tuluyang sumakay ng kotse.

"Hi! Did you read my note?" tanong niya sa dalaga.

"You made my CD case dirty," biro nito sa kanya.

Natawa siya. "Wanna eat something?"

"Sure."

Dinala niya ito sa isang restaurant na hindi naman kalayuan doon at umorder ng dessert para sa kanilang dalawa.

"I didn't know you like rock songs," aniya kay Hillary habang kumakain sila.

"I didn't, but your songs are great and I like them very much. Besides, I've been your fans since childhood," she said honestly.

"Thanks," flattered na sagot niya.

Nasa gitna sila ng kanilang kwentuhan nang may lumapit sa kanilang isang babae.

"Hillary?"

"Danielle?"

Nagyakapan ang dalawa sa harapan niya. Siya naman ay palipat-lipat lamang nang tingin sa mga ito.

"Oh, I'm so glad to see you again. Did you watch Zoo Army's concert? Gil rocked it again!"

"Yeah," nag-aalangang wika sagot ni Hillary at unti-unting lumingon sa kanya.

Napalingon din sa kanya ang babaeng kausap nito at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang makilala siya. Napanganga ito ngunit walang salitang lumabas mula sa bibig nito.

Tumayo siya. "Hi! I'm Gil," wika niya sabay lahad ng kanang kamay.

Dahan-dahan iyong tinanggap ni Danielle na parang unti-unting matutunaw sa harapan niya. "Da...nie...lle."

"Would you like to join us?" untag ni Hillary dito.

Para naman itong natauhan. Binitawan nito ang kanyang kamay. "I really love to but I don't want to miss my flight," sagot nito.

"Well then, good luck," wika lamang ni Hillary. Muling nagyakapan ang dalawa sa harapan niya.

"Thanks." Pagkuwa'y siya naman ang binalingan nito. "It's so nice meeting you in person, Gil."

"You, too," nakangiting sagot niya.

"Can I have a picture with you?" hiling nito sa kanya.

"Sure."

"Hillary, would you mind?" tanong nito kay Hillary sabay abot ng cellphone nito sa dalaga.

"No." Kinuha ni Hillary ang cellphone nitong may camera. Dumikit ito sa kanya at abot-tengang ngumiti. Inakbayan pa niya ito sabay ngiti rin.

Always You and IWhere stories live. Discover now