Part 1 - Chapter 5

10 0 0
                                    

"NAG-AWAY ba kayo ni Oswin?" tanong niya kay Gil nang puntahan niya ito sa kwarto nito kinagabihan.

Napahinto ito sa paggigitara at napalingon sa kanya. "Nope. Why?"

"Parang hindi kasi maganda ang pakikitungo mo sa kanya kanina. May ginawa ba siyang mali sa iyo kanina?"

"And why are you so concerned about him?" nagtatakang tanong nito na parang may ibig sabihin.

"It's because he's your friend and my new friend as well. I am normally concerned about my friends."

"Weeh? Di nga?" hindi naniniwalang wika nito sa kanya.

"Teka nga...Nagseselos ka ba kay Oswin?" hindi na nakatiis na tanong niya rito.

"And why would I be jealous of him?" kunot-noong balik-tanong nito.

"Oo nga naman. Bakit naman siya magseselos kay Oswin? Ano namang dapat niyang ikaselos sa kaibigan niya?" sang-ayon ng isang bahagi ng kanyang utak.

"I don't know. That's why I'm asking."

"Tapatin mo nga ako. May gusto ka ba kay Oswin?" ito naman ang hindi nakatiis na magtanong sa kanya.

"Ha? Wala, ah," mabilis na sagot niya. "Eh, ikaw? May gusto ka ba sa akin?" gusto sana niyang itanong pero hindi na niya itinuloy.

"Okay," kibit-balikat na sagot nito at bumalik na sa ginagawa.

Tiningnan niya ito habang nakatalikod sa kanya. Pakuwa'y inamoy niya ang buhok nito.

"Hey! Can you- What are you doing?"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang bigla itong humarap sa kanya at nakita nito ang kanyang ginagawa. Napahiya siya. Agad niyang inayos ang sarili.

"I was just looking at what you are doing," palusot niya.

"I'm composing a song. I just don't get the right words. Can you help me out?"

"May I see?" Tiningnan niya kung ano ang naisulat nito. Bigla siyang kinilig. Pakiramdam niya kasi para sa kanya ang kantang iyon. "Parinig nga," utos niya rito. Agad namang kinanta iyon ni Gil while playing his guitar.

Bang, bang, bang

Bang, bang, bang

Bang, bang, bang

Is it the way that you're movin'

The way that you're makin' my heart beat

Is it the sound of your voice

The way that you're talkin' to me

Is it the scent of your hair

The look of your smile

I don't know

Is it the way that you're dressed

You believed you're the best

No, I think it's the look in your eyes

"'Bang, bang, bang' talaga, eh, 'no? Para kanino naman ito?" curious na tanong niya. Unconsciously, she's hoping na sana para sa kanya iyon.

"Secret. Basta. Hindi ko na alam kung anong susunod na isusulat dito."

Agad naman niyang kinuha ang ballpen nito. "Hmmm." In-imagine niya ang kanyang sarili na sinasabihan ni Gil ng mga salitang iyon kaya madali siyang nakapagsulat ng mga kasunod na lyrics nito.

Is it the look of your face

I'm losin' my base (can't you see)

Is it the style of your walk

Always You and IWhere stories live. Discover now