5 // The Kiss

3K 71 6
                                    

Kathryn XIII
written by Auburn Sy

***

5 // The Kiss

Daniel's Point of View

"Daniel?!" Ngumiti ako ng malapad. Patay tayo jan. Ang iingay kasi ng mga to eh, nahuli tuloy kami.

"Hi Kathryn!" Kumaway yung dalawa sa kanya na ngayon ay nanlalaki parin ang mga mata.

Pumunta ako sa harap niya at isinandal siya sa may poste. Pfft! Gusto ko nang matawa sa sobrang laki ng mata niya. Pati nga butas ng ilong niya, nanlalaki na. Hahahaha!

"Ge commander! Hanap lang kaming chicks!" Nagpaalam na sina Kyd kaya kaming dalawa na lang dito.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, "Hi Kathryn."

"Aahhhh!!" Napaupo ako nang sipain niya ang alaga ko. Tumakbo siya paalis habang ako, mukhang hipon dito sa sobrang sakit.

"Hoy!! Bumalik ka dito!! Hindi na kita mapapaligaya!! Holy shet! Ang sakit!" sigaw ko at wala akong pake kahit pinagtitinginan na ako dito.

Uminom ako ng shake na siyang nagpawala ng sakit dito. Grabe lang talaga. Kapag ako nabaog, maraming iiyak na babae at hindi ko yun kakayanin!

Nandito kami nina Kyd at Jiro sa restobar, malapit lang sa mismong hotel nina Kathryn. Tito ni Kyd ang may-ari kaya kahit wala pa kamisa legal age, pinapasok kami dito.

"Huy commander. Ano ba talagang balak mo kay Kathryn?" tanong ni Kyd habang tumutungga. Tsk. Isa pa tong ulol eh. Iinom na nga lang yung matapang pa.

"Ewan ko din," sagot ko sa kanya. Binatukan ako ni Jiro.

"Tanga lang, commander? Wala ka bang gusto dun?" Napaisip ako sa sinabi ni Jiro. Wala nga ba talaga akong gusto kay Kathryn?

"Hindi ko alam. Wala eh," walang gana kong sagot. Sa totoo lang, iniisip ko yung tungkol kay Quen. Hindi ko pa siya nakikita dahil nga sumunod kami dito kay Kathryn.

Nagyaya na akong bumalik sa hotel. Ako na ang umakay sa dalawa dahil parehas bagsak. Hindi naman ako uminom. Gwapo kasi ako.

Nang makarating kami dun, dumiretso agad kami sa room namin. Dalawa yung kama at share ulit sila. Subukan lang nilang umangal!

Psshh! Hindi ako makatulog. Ang lakas naman kasing makaharok ni Kyd! Sinipa ko siya since malapit lang naman ang kama nila sa akin.

"Hoy ugok ka! Ang lakas mo humarok! Umayos ka nga!" Umayos na ako ng higa para subukan ulit matulog pero shet! Mas lalong lumakas ang harok niya at nagsalita pa!

"Honey~ Wag dyan. Nakikiliti ako~" ANAK NG PINAGPATONG PATONG NA PATING! ANG MANYAK TALAGA NG ISANG TO! PATI SA PANAGINIP! TSS!

Tumayo na lang ako at maglilibot libot lang ako dito sa hotel kahit wala namang malilibot dito. Paghakbang ko, sumemplang ako sa sahig! Anak ng pitumpu't puting putaeste tupa naman oh!!! Nakahara pala yung kumot nung dalawa sa sahig at di ko yun napansin kaya sumemplang ako. Ang sakit!

Kathryn XIII (ON HIATUS)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora