8 // Santacruzan

2.3K 52 5
                                    

Kathryn XIII
written by Auburn Sy

Dedicated to TheChocoMonster for being so thankful sa tuwing mag-uupdate ako. Lagi siyang nagpapasalamat kapag nagcocomment. At natatouch ako dun. So, thank you rin sa pagsuporta nitong story ko and as a sign of my gratitude, here's a chapter for you. Thanks, dear. :D

***

8 // Santacruzan

Kathryn's Point of View

"Ma'am, nasa labas po si Miss Raquel," sabi ng maid kay mama. Kasalukuyan kaming nasa entertainment room. Ako, si mama at si papa. It has been days since nakauwi kami from Manila and it's May 28. Ang bilis ng araw.

"Oh, yeah. Papasukin mo na at padiretsuhin mo sa gazzebo, okay?" sabi ni mama.

"Yes, ma'am." Umalis na yung maid para sundin yung inutos ni mama.

Tumayo si mama sa pagkakaupo niya, "C'mon, Kath. Sumama ka sa akin."

"Huh? Bakit po?" tanong ko. Ano naman kaya ito?

"Basta. Hon, just stay here. M'kay?" sabi ni mama. Tumango naman si dad at nag flying kiss pa. What the heck? So teeny.

Sumama na lang ako kay mama papuntang gazzebo sa baba para daw i-meet si Tita Raquel. I don't know her personally pero naririnig ko na siya dati pa.

Nakita namin siya na naka-upo doon. May hawak siyang magazine at may orange juice sa tabi niya. We sat in front of her.

"Oh, hi Grace. Long time no see," bati niya kay mama. Tumayo ito at nag beso beso sila.

"Hi Raquel. So, I have an idea kung bakit ka nandito ngayon that's why I brought my unica hija here," sabi ni mama. Umupo ako sa tabi niya.

Tumawa naman si tita, "Hay nako, Grace. Tamang hula ka sakin niyan! Gusto ko sanang kuning Reyna Elena yang anak mo sa darating na Santacruzan."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yung sinabi ni tita. Ako? Reyna Elena? No way! Ang init init tapos paparada ako sa place namin tapos naka-heels pa at sobrang habang gown. My kasama ka pang anak (which is yung anak talaga ni Reyna Elena) na emperoro Constantine.

Like really? Sinong may gusto nun?

"Ma, you know I can't," bulong ko kay mama.

"Na-uh. You have to. Ikaw lang naman ang pinakamagandang dila dito sa atin. Papalampasin mo pa ba? C'mon."

Pinilit din ako ni tita Raquel kaya hindi na ako naka-hindi. May 30 daw iyon gaganapin. Lucky me!

Kinabukasan, pumunta kami sa mall para bumili ng gown. White ang gown ko with gold linings. Tube siya at naka balloon, hanggang paa ko siya. May white gloves din ako na hanggang siko at syempre, silver crown.

Dumating ang May 30. Ginising ako ng maaga ni mama para daw makapag-ayos na ako. Hindi ko pa nga alam kung sino ang Constantine ko.

"Ma, ang aga aga pa oh," sabi ko kay mama habang naka-upo sa dining table. Paano ba naman, 5 am pa lang ngayon. And look, 6 pm pa ang Santacruzan.

Kathryn XIII (ON HIATUS)Where stories live. Discover now