7 // The Memories Came Back

2.6K 60 7
                                    

Kathryn XIII

written by Auburn Sy

Dedicated to angelicapunzalee21. Thanks for reading this! (Request)

***

7 // The Memories Came Back

Quen's Point of View

Tumayo ako sa sofa at pinagbuksan ng pinto si Eunice, "Akala ko hindi mo na ako pagbubuksan."

"Ikaw naman. Dalawang katok mo pa lang naman eh," sabi ko sa kanya.

Pumasok na siya sa condo ko at umupo sa sofa.

"What brought you here?" tanong ko at pumunta sa kitchen.

Sumunod naman siya at naupo sa stool. Pinagtimpla ko siya ng juice.

"Hmm. Nothing. By the way, dad said that may party daw ulit na magaganap sa house namin and he invited your family," sabi niya at kinuha yung tinimpla kong juice.

"Okay. Sasabihin ko yan kay mama."

Pumunta kami sa sofa at umupo. Tumabi siya sa akin at sumandal, "Samahan mo akong magshopping!"

Tutal wala din naman akong ginagawa, sinamahan ko na lang siya.

Kathryn's Point of View

"Hey, Kath. Wake up! Nandito ang boyfriend mo." Napabaligwas ako ng bangon nang marinig ko ang sinabi ni mama. What?! Nandito si Daniel?! Paano niya nalaman ang hotel room namin?

Bumangon ako at nagpunta ng CR. Nag toothbrush ako at nagsuklay. Tumingin ako sa salamin, ayos naman ang suot ko. Shorts at oversized white shirt. Disente na para humarap sa boyfriend ko.

Nakita ko siya na nasa dining area. Kasama siya ng parents ko na nagbebreakfast. Nganga ako sa nadatnan ko. Tumatawa pa siya habang kausap sina papa. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Daniel.

"Oh, anak. Gising ka na pala. Kanina pa dito ang boyfriend mo. Pagkatapos nating kumain, maligo ka na at babalik na tayo ng Manila kasama itong si Daniel," sabi ni papa at kinausap na ulit si Daniel.

Uhm, okay na lang? HINDE! BAKIT HINDI AKO PINAPANSIN NI DANIEL!!!

Sumisigaw na talaga ako sa isip ko pero tahimik parin akong kumakain. Hindi parin umaalis si Daniel. Pagkatapos naming kumain, naligo na ako at hinanda ang gamit ko. Yung mga gamit nila mama, kanina pa pala nakahanda. Tinulungan daw siya ni Daniel.

Nandito na din pala ang gamit ni Daniel at hindi nga nagbibiro si papa na kasabay namin siya pauwi.

Sa public plane na lang kami sumakay para daw makapahinga sa byahe. Magkatabi sina mama at papa at nasa side nila kami ni Daniel.

"Hoy! Bakit ka namin kasabay? Nasaan na yung dalawa mong kaibigan? Iniwan mo dun?" Tumingin siya sa akin at nag puppy eyes at pout.

"Mas concerned ka pa sa mga kaibigan ko kesa sa boyfriend mo?" Tumungo siya. What the!! Ang arte!

Pero sige, sakyan ko na lang ang trip ng boyfriend ko.

Ni-link ko sa arms niya ang kamay ko at sumandal sa balikat niya, "Sorry na, yeb." 

"Yeb? Ano namang pauso yan?" tanong niya.

Humarap ako sa kanya, "Panira ka talaga ng moment. Ang ibig kong sabihin, yun ang gusto kong endearment natin. Yeb."

Kathryn XIII (ON HIATUS)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant