12 // Because This is for Real

1.6K 42 4
                                    

Kathryn XIII
written by Auburn Sy

***

12 // Because This is for Real

Kathryn's Point of View

After kong marinig 'yung usapan ng dalawang babae, umalis na ako sa library namin. Hindi naman ako nagugutom kaya hindi na ako kumain. Pagpasok ko sa room, nakita ko kaagad si Daniel na nakaupo sa upuan niya. May binabasa siya at sa tingin ko'y manga 'yun.

Kelan pa siya nahilig sa Anime?

Umupo ako sa tabi na upuan niya. "Huy."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Binalik niya agad ang tingin sa binabasa niya at nagpatuloy lang sa ginagawa. Hm? Bakit kaya 'di niya ako pinansin?

"Huy," sabi ko ulit.

Binaba niya yung manga, "Bakit?" Nakatingin na siya sa akin ngayon.

"Bakit hindi mo ako pinapansin?" tanong ko.

"Di'ba galit ka sa akin? Sa tingin ko, gusto mo ng space, yeb. Kaya eto, pinag-iisp muna kita," straight forward niyang sagot sa akin.

Natahimik ako sa sagot niya. Kung ganun, akala niya galit ako?

"Hindi naman ako galit. Sino bang may sabi sa'yong galit ako?" Kaya naman pala hindi niya ako kinakausap ngayon eh.

"Huh? Hindi ka galit?"

"Hindi nga."

Nabigla ako nang yakapin niya ako. "Salamat naman. I love you, yeb."

Humiwalay ako sa yakap niya. M-mahal niya ako? Mukhang nahulaan naman niya ang nasa isip ko kaya nagsalita ulit siya.

"Yeb, I want this for real. Mahal kita at handa akong ligawan ka. Handa akong gawin lahat, mahalin mo lang rin ako," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko na napigilan. Kusang tumulo ang luha ko sa aking mga mata. Mahal ako ni Daniel, at may gusto ako sa kanya. Gusto ko siyang mahalin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Tara, maglibot tayo. Wala namang klase." Hinila niya ako palabas at tinungo namin ang daan palabas ng building.

Doon kami lumibot sa field ng school. Ang lawak kasi dito at may mga upuan sa tabi kaya in case mapagod kakalakad, may mauupuan naman. Section lang yata namin ang walang klase dahil kami kami lang rin naman ng nasa labas.

Nakaupo kami ngayon sa isang bench dito. Pinapanuod namin yung mga elementary students na naglalaro sa field.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin pero kinausap niya ako.

"Kamusta ka na?" tanong niya.

Ngumiti naman ako at tumingin ulit sa mga bata, "Ayos naman ako. Nakalimutan ko na 'yung nangyari kaya hindi na ako naaapektuhan. Ikaw?"

Kathryn XIII (ON HIATUS)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora