14 // Meet Kathryn XII a.k.a Julia

1.5K 42 10
                                    

Kathryn XIII

written by Auburn Sy

***

14 // Meet Kathryn XII a.k.a Julia

Daniel's Point of View

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo at katawan. Ugh. Shit. Iminulat ko ang mata ko at napabalikwas ng bangon. Wala ako sa kwarto ko at hindi ko alam kung nasaan ako.

Napahawak ako sa ulo ko. Sobrang sakit nito na parang hinahati sa dalawa. Pilit kong inalala kung anong nangyari kagabi, pero bigo ako. Wala akong maalala.

Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Tumingin ako sa kanang direksyon ng kwarto at may nakitang pinto. Siguro CR 'yun dahil doon nanggagaling ang tunog. 

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Lumabas doon si Kathryn XII.

"Hi, honey. Gising ka na pala." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Hindi agad ako nakapagreact sa sobrang pagkagulat.

Humiwalay na siya at hinaploas ang mukha ko. "You're so handsome, Daniel."

"A-anong nangyari?!" tanong ko sa kanya. Napahawak ako sa ulo ko. Bumalik ang mga eksena kagabi. Mula sa classroom hanggang sa date namin ni Kathryn XIII. Shit!

Pinulot ko ang uniform ko sa sahig at madali itong sinuot. Kinuha ko ang bag ko na nasa tabi ng kama at agad lumabas ng kwarto.

"Wait, Daniel!" sigaw ni Kathryn XII. Hinila niya ako sa kamay at napaharap ako sa kanya.

"Ano?! Anong ginawa mo?! Shit, Kathryn! May girlfriend na ako!" Hindi ko na nakontrol pa at sumigaw na rin ako.

"Yes! I know! Kaya ko nga ito ginawa eh. Because I want you back!"

"Shut the fuck up! Leave me alone! Leave us alone!" Dali-dali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang palabas.

Kathryn's Point of View

"Anak, hindi ka ba papasok?" Tumingin ako kay mommy na bihis na. Siguro paalis na sila ni daddy.

Ngumiti ako. "Absent na muna po ako ngayon. Masama po ang pakiramdam ko."

"Okay, darling. Just take care, okay? We're going. Bye," hinalikan niya ako sa cheeks at umalis na.

Nandito ako ngayon sa living room at nanonood ng TV. Wala akong gana pumasok dahil makikita ko lang doon si Daniel. I'm still pissed.

Pinaghintay niya ako almost 4 hours at hindi man lang tumawag o nagtext. I really hate him! I really do! Argh.

Tumayo ako mula sa sofa at pumunta sa kusina. Nakita ko doon ang maid na nagluluto kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama at kinuha ang phone sa ilalim ng unan. Pagkaopen ko, nagulat ako sa nakita ko. 18 new messages at 20 missed calls. 'Yung texts, 17 galing kay Daniel at 'yung isa unknown number. Tapos 'yung missed calls, lahat kay Daniel.

Clinose ko 'yun lahat at nilagay sa side table. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis ako!

*knock knock*

"Ma'am, may bisita po kayo," sabi ng maid after niyang buksan ang pinto.

"Sino daw po?"

"Hindi po nagpakilala eh." Tumango na lang ako kaya iniwan na ako ng maid. Tumayo ako sa kama at bumaba.

Walang tao sa living room kaya I assume na nasa pool area ang bisita ko daw. Pumunta ako doon at may nakitang lalaki na nakatalikod sa direksyon ko na nakaharap sa pool.

Likod pa lang niya, kilalang kilala ko na. Kung itulak ko kaya siya sa pool? Ah, 'wag na. Baka isipin niyang nakikipaglaro lang ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Humarap naman siya at agad akong nilapitan. Hinawakan niya ang kamay ko at yumuko.

"I'm sorry hindi ako nakadating kagabi." Inalis ko ang hawak niya sa kamay ko kaya tumingin siya sa akin.

"Apology not accepted." Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ulit ang kamay ko.

"Kathryn, please. Let me explain." Tumango na lang ako sa kanya at crinoss ko 'yung arms ko.

"Sinet up ako ni Ka-Julia. 'Yung kaklase natin. She'smy ex-girlfriend at ngayon ko lang siya napansin. Pinatulog niya ako and─"

"Huwag mo ngang idamay dito si Julia! She's my friend!" singhal ko sa kanya. So ngayon, idadamay niya si Julia? Argh!

"Please believe me. She wants me back. Please, Kathryn. I'm so sorry," sabi niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Please. I'm sorry."

Parang nahypnotize ako sa titig niya at niyakap ko siya. Namalayan ko na lang na pinapatahan na niya pala ako.

"Sshh. I'm already here. I'm sorry, yeb. I'm so sorry." Hinahaplos niya ang likod ko at naramdaman ko ang labi niya sa ulo ko.

Julia's Point of View

I know lahat kayo galit sa'kin. But who cares? I'm Julia and I want Daniel back. I will do everything to get him to Kathryn. Madali lang naman utuin si Kathryn eh. Naniwala nga siya kaagad na gusto ko siyang maging kaibigan. In her dreams!

I really love Daniel. The reason why I broke up with him is that, my dad doesn't want him for me. Pero nang mamatay si dad, I chose to go back to Daniel and unfortunately, he already have a girlfriend.

Pero hindi rin magtatagal, mapapasakin ulit siya. I smirked at the thought.

...to be continued

***

auburnsy says: 

Madaliang update. Bukas ulit. <3

Kathryn XIII (ON HIATUS)Where stories live. Discover now